i

2.6K 18 0
                                    

Tinitigan niya si Vince habang inaayos nito ang buhok nito gamit ang mga kamay. Gumwapo pa ito lalo sa kanyang paningin ngayon. Kinindatan siya nito ng mahuling nakaktitig siya dito.

Isang ikot na lang at matatapos na sila. Mauubos na rin ang iniinom nilang Empe Light. Hayyyy sa wakas!

Sinara na nila ang gate nang makaalis na ang mga kaibigan nila at pumanhik na rin sila sa loob ng bahay. Tinulungan niya si Vince na magligpit ng kalat habang nakaakbay ito sa kanya.

"Pwede naman siguro nating linisin ang mga kalat dito na hindi ka nakaakbay sa akin, no?" Tanong niya habang pinupulot ang baso at pitsel mula sa lamesita.

"Pwede. Pero sa gusto kitang akbayan eh. May magagawa ka ba?" Sagot nito sa tanong niyang inilapit pa ng bahagya ang mukha nito sa mukha niya. Napalunok siya sa tinuran nito. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang puso.

Mga Munting Paru-Paro | Rated SPGWhere stories live. Discover now