CHAPTER ONE

4 2 0
                                    

Please vote, comment and share.

_______________________________

Mitch's POV

"Mitch, sabay ako sayo ha?"

Sya si Annika, best friend ko. Classmate ko sya simula grade two hanggang high school. Ang tagal na naming mag-classmate no? Pero saka lang kami naging close nung grade five na kami. Pareho kasi kaming mahiyain kaya tuloy ang tagal pa bago lami lubusang naging magkakilala. Tapos nung high school, nadagdagan kami ng walo. Three and a half girls and three and a half boys. Hahaha because one of us is gay.

Pero sa lahat ng kaibigan ko, si Annika ang pinaka pinagkakatiwalaan ko. Siya ang may alam ng halos lahat ng sikreto ko. Siya ang parati kong kasama. Para ko na nga syang kapatid eh. Days lang nga ang pagitan namin.

"San ka ba pupunta?"

"Sa company. May kailangan akong tapusin eh."

"Sabado ngayon pero nagtatrabaho ka parin. " by the way, she's an architect.

"Kailangan na kasing tapusin yung design na yun eh."

"Sige. Tara na"

After passing the board exam, nakahanap agad ng trabaho si Annika. Ako naman, wala pa. Gusto ko mang magtrabaho sa company namin, ayaw naman ng parents ko. Saka na lang daw. Enjoyin ko muna daw yung buhay ko bago sumabak sa business world.

I always tell them that I am ready to work in the company but still, their answer is NO. Buti pa yung mga kaibigan ko may trabaho na.

Si Sandra, she's already a chef in a high end restaurant. Lorry is an engineer now. Martha is a doctor in a private hospital. Keith is a teacher in a public school. Joey, the gay I'm talking about is now a successful fashion designer. Sina Larry, Danny, and Christian naman ay pare-parehong engineer.

I graduated two courses, BSBA and Culinary Arts but still, no work. Sabi ko nga sa parents ko bored na ako. Nakakainis kasi ayaw nila akong pagtrabahuin eh kaya ko naman.

"Anong gawin mo sa company nyo? Magtratrabaho ka na ba?"

Muntik ko na tuloy makalimutan na may kasama pala ako. "Pano mo nalaman na pupunta ako don?"

"Wala. Basta alam ko lang."

Kilalang kilala na talaga nya ako. Teka nga, ma-joke ko nga tong babaitang ito. "Oo. Pinayagan na nila ako."

"Weh? Totoo ba yan?"

"Oo nga" If I know di rin naman nya ako papaniwalaan.

"Di ako naniniwala." Sabi ko na nga ba eh. "Tsak kung pinayagan ka man, hindi ganyan ang suot mo."

Tama nga sya. Naka jeans and shirt lang kasi ako ngayon. Ang tinutukoy nya namang suot ko dapat ay corporate attire.

"O, natahimik ka na dyan. Tama ako diba?"

"Oo na. Nakakinis kasi. Bakit ba ayaw nila akong pagtrabahuin eh kaya ko naman."

"Hay naku. Bago pa matuloy yung drama mo eh ibaba mo muna ako at baka mailampas na ako."

Aish. "Panira ka talaga ng moment. Maguumpisa palang ako sinira mo na. Bumaba ka na nga."

"Sus. Nagtatampo daw sya. Di mo rin naman ako matitiis eh. O siya, bababa na po ako"

"Wag ka na uli makikisabay ah!"

"Di wag!"

Ganyan talaga kami ni Annika, parang nag-aaway pero hindi. Kung magkatampuhan man kami, di rin magtatagal. Wala pang isang oras, bati na kami.

Oh I almoat forgot to introduce myself. Mitch Vergara is my name. Twenty one years old. You'll get to know more about me as the story goes, so no need to introduce myself further.





___________________________

Sorry po sa late update...

Hope you enjoyed reading the story. Di ko pa alam kung kailan ulit ako magu-update.

Engaged With The Son Of The Business RivalWhere stories live. Discover now