Crush Kita Ai

16 7 2
                                    

Forbidden Door Present:

Crush kita

BAWAL GAYAHIN NAKAKAMATAY

PLAGIARISM IS A CRIME

May 8 2017

§ °×° §

Matagal ko na hinahangaan ang crush ko. Siguro Grade 7 pa lang gusto ko na siya. Laging kaming magkaklase pero tila hindi niya ako napapansin. Ni hindi niya nga ata alam na may Yuan na nang e exist sa mundo niya. Sikat siya sa lahat, President siya ng classroom namin at maasahan rin siya pagdating sa mga Group Activities, lagi nga kaming magka Grupo pero hindi niya pa rin ako napapansin kahit nagpapansin na ako walang epekto...

"Gaano ba kamanhid tong crush ko?" Iyon ang palagi kong nasasabi sa sarili ko. Minsan nga gusto ko na sumuko pero kahit ganon wala eh mahal ko siya kaya hindi ako susuko. Naalala ko pa nung magkaroon siya ng unang Boyfriend halos gumuho ang mundo ko non daig ko pa ang namatayan sa sobrang lungkot. Palagi nga akong napapagalitan ng ate ko napaka ingay ko daw kasi.

Hindi ko naman kasalanan magsisigaw sa kwarto ko noh. Pero wala pa silang ilang buwan naghiwalay rin sila at don naman ako tawang wagi " =w= haha butinga sayo" iyan ang nasabi ko habang nakapamaywang pa at nakatingin don sa Boyfriend niyang kano na nakikipagbalikan pero si crush ko hindi na nakipag balikan, na huli kasi ng isa sa mga kaklase ko na yung Boyfriend niyang kano ay nakikipaglandian sa Queen bee ng school. Halikan pa more =w=

Nang sumunod na taon magkaklase na naman kami at ano pa nga ba hindi niya rin ako napapansin nung mga panahon na iyon at ang masakit pa magkatabi lang kami ng upuan pero ni hindi niya man lang ako kibuin taka rin ako sa crush kong iyon. Lahat kasi ng mga kaklase namin kinakausap niya pero ako hindi.. "pansinin mo naman ako crush" yan ang sigaw ng puso ko, para na nga akong babae nito sa inaasal ko. Nung minsan nagkaroon ng group activities na kailangan gumawa ng music video kasama lahat at kagaya ng dati magkasama na naman kami sa isang group, naisip ko baka pagkakataon ko na iyon kaya sinubukan kong lumapit sa kanya pero hindi ko pa nga natatawag ang pangalan niya...

"Ui tara gawa na tayo ng plano sa music video"

Naunahan ako ng Isa kong kaklase na alam kong may gusto rin sa kaniya

Napatalikod na lang ako "Kainis kang tukmol ka!" galit na galit kong bulong sa sarili... Makakausap ko na eh

Well in the end na tapos ang music video na hindi ko man lang siya nakakausap, ang saklap ng buhay ko non

Nang dumating ang araw ng mga puso late ata ako non pumasok saka lang bumungad sa akin harapan ang mga kaklase kong tumpok don sa harapan ng classroom, napasilip ako at ito ang bumungad sa akin

"wow congratulations Ivan kayo na sa wakas haha" puri ng isa kong kaklaseng babae

Teka ano to..? Hindi kaya...?

"Mahal na Mahal kita"

"I love you too"

Napaatras ako....

Hindi maaari may Boyfriend na naman bago ang crush ko...

Sa sobrang lungkot ko napatakbo ako, sunod ko na lang na mamalayan

"totoy tumabi ka!! "

Nagulat ako.. Isang jeep ang humaharurot ang papunta sa tinatawiran ko

Hindi ko na matandaan ang sunod na nagyari non...

Crush Kita AiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon