Kareen

8 3 0
                                    


Linggo iyon at nagising si Kareen na masaya. Bakit? Simple lang kasi umuulan sa labas. Agad siyang bumangon at nagtungo sa malaki niyang bintana para hawiin ang kurtina na nakatakip dito. Napansin niya sa side table ang digital clock niya.

"5:55, ang aga ko atang nagising ngayon." Mahina niyang sambit. At may maganda ideya siyang naisip. Though in reality, it was a ridiculous idea.

Nagtungo siya sa kanyang closet at naghanap ng damit. Nang makita niya na ang mga ito ay agad siyang nagbihis at naghilamos. Matapos nun ay bumaba siya at nagdireretso palabas ng bahay. This time, hindi niya kinalimutang magdala ng payong.

Tumatalsik ang mga tubig na nabuo sa gilid ng daan habang sinasadyang apakan iyon ni Kareen. Ngiting ngiti siya halatang enjoy na enjoy siya sa ginagawang paglalaro. Inilalahad pa nito ang kamay para maramdaman ang pagtulo ng ulan sa palad niya.

Wala pang tao sa labas ng subdivision nila considering na masyado pang maaga at maginaw dahil sa malakas na ulan. Bukod tangi lang talaga si Kareen na masayang naglalaro sa labas. Parang wala lang sa kanya ang ginaw ng simoy ng hangin.

Dahil hindi sya makuntento na kamay niya lang ang natatamaan ng ulan ay itinikop niya ang payong na namamagitan sa kanya at ng ulan. Tumingala sya kaya ramdam na ramdam niya ang pagpatak ng ulan sa mukha niya. Nang maramdaman na niya ang pangangalay ng leeg ay binuksan niya ng muli ang payong.

Nakuha ng paningin niya ang isang pigura na papalapit sa direksyon niya. May dala din itong payong at nakablack hoodie. Papalapit ng papalapit. At unti unting nakikilala niya ito.

"Gelo?" she asked unsure. Napanganga na lamang siya habang pinagmamasdan niya ito na naglalakad. She can hear her heart beating so loud and wild. Sa lakas nito ay natabunan na ng tunog ng kanyang puso ang malakas na buhos ng ulan. Napahawak siya ng mahigpit sa handle ng kanyang payong.

'Bat ang lakas ng pintig ng puso ko?' tanong niya sa sarili. Parang nagslow motion ang galaw sa kanyang paligid at biglang naalala niya nag nanyari ng hapon na iyon.

__________________

"I don't have umbrella, jacket will do right?" tyaka ay dumungaw siya sa babaeng kasalukuyang inaakbayan niya. He then smiled showing his complete set of white teeth. Napaawang na lamang ang labi ni Kareen, hindi makapaniwala.

"Gino." she breathes out his name. She was sure it was him.

"No, your mistaken." the guy who was holding her closed said and smirked.

"No, your Gino. I'm sure." mahina ngunit may conviction nitong sabi habang nakatingin ng diretso sa mata ng lalaki. Ngumiti ng lalo ang lalaki na naging dahilan para lalong sumingkit ang mata nito at lumalim ang dimples niya. Inobserbahan yun ni Kareen. At sa maliit na pagitan nilang dalawa, mas naging sigurado siya na hindi ito si Gelo.

Pero ang mas pinagtataka niya ay kung bakit ang lakas ng tibok ng puso niya? Kung bakit sya nahihirapang huminga? Kung bakit parang nawalan ng lakas ang tuhod niya at nanghihina siya? Bakit ganun na lamang ang nararamdaman niya gayong alam naman niya na si Gino ito at hindi si Gelo.

"Bakit siguradong sigurado ka ata?" tanong nito bago nagsimulang maglakad. Hindi sumagot si Kareen sa tanong nito dahil sya rin sa sarili niya ay nagugulohan.

"Hindi mo ata kasama ang bestfriend mo?" tanong muli nito ng hindi sya sumagot sa nauna nitong katanungan.

"Ah, ano, may sakit kasi siya. Kaya absent siya ngayon." Mahina nitong sagot.

"Hindi ka man lang nagdala ng payong. Hindi ka ba nanood ng news kagabi?" napalingon siya sa binata. "E bakit ikaw, hindi ka rin naman nagdala considering na nanood ka?" pabalik na tanong ni Kareen na dahilan para lumingon din si Gino sa kanya. Nagtama na naman ang paningin nilang dalawa.

Gino just shrug,"Guys don't bring one, it would be so gay." Tumango lang si Kareen sa naging sagot nito. Naputol ang pag-uusap nila ng nakarating sila sa Waiting shed ng school.

"Taga san ka ba?" Gino asked while slowly letting go of Kareen's arm.

Alam ni Kareen ang fact na iisang subdivision lang ang tinitirhan nila ni Gino. Natakot siya na maghinala ito na stalker siya ng mga Moore. Kaya nag-alangan siya na sabihin dito. "A-alta." She mumbled. "P-pero susunduin ako ni mama." She bit her lips.

'Ugh, you stupid girl. Nagpapahalata ka.'

"Taga dun din ako. Kung gust------"

"H-hindi, susunduin kasi ako. Darating na yon mga ilang sandali na lang." she said cutting him off while stuttering. Tinitigan lang siya ni Gino, walang mababakas na emosyon sa mga mata nito.

"suotin mo na lang toh." Tinanggal niya ang scarf na nakasabit sa leeg niya at binigay kay Kareen. Tulala si Kareen sa ginawa ni Gino.

_________________

"Gino," she uttered under her breath.

Sinundan ng tingin niya ang likod ni Gino na papalayo sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya habang pinagmamasdan ang papalayong pigura nito. Pinlano niyang lapitan si Gino kanina pero nabato lang siya sa kinatatayuan niya. Hindi man lang siya nakapagpasalamat dito.


Kaya nagpatuloy na lang siya sa paglalakad sa kabilang direksyon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nalungkot sya bigla. Na para bang may dumagan at kumurot sa puso niya. Marahil ang isang dahilan kung bakit ay dahil hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng binata.

Height ProblemsWhere stories live. Discover now