Chapter 23 - Fee-fee

1.6K 71 17
                                    

Shayne's POV

"What are you doing here!?"

Bagot na tinignan ko si Zed. Gosh hindi pa rin ba siya nagsasawa sa tanong na yan?  Sabi na ngang naligaw ako pero paulit-ulit niya pa rin ako tinatanong.

Simula ng umahon ako ay suot ko na ang damit ko kahit basa ako at gutay-gutay ng kunti ay hinarap ko pa rin si Zed dahil mukhang papatay ata ng tao.

"Answer me honestly Shayne kung bakit ka na rito." Malumay niyang sabi ngunit seryoso pa rin.

"Geez... naliligaw nga ako. Naglilibot ako kanina tapos iyon na, andito na ako. At isa pa hindi ko alam paano makabalik." okey parang napaka-defensive ko na ata. Sana di niya mahalata.

"Hmm... Ikaw nga narito rin, siguro alam mo saan ang daan." Lihim akong napangisi.

Nice Shayne makakabalik ka na!

Nanliit ang tingin niya sakin na parang di pa rin naniniwala. Pero di naman nagtagal ay umiwas siya tingin at kita kong namula ang tenga nito.

Problema neto?

Biglang napahawak si Zed sa damit niya at dahan-dahang hinubad isa-isa ang butones na ikakilabot ng bou kong katawan.

Whut da-! Ba't biglang uminit! Kakaligo ko lang ha?!  Napalunok ako nang dahan-dahan at pasipling napatingin sa paligid. Baka may nakatingin samin at mapagkamalan may ginagawa kami. Nako, nako bad yan Shayne!

Napapikit ako ng maramdaman ang telang napatakip sa ulo ko.

"tsk. Isuot mo 'yan baka magkasakit ka." tinanggal ko ang damit niya sa ulo ko.

Ang bango, amoy pawis. Joke lang. Hehehe

Pero pagtingin ko sakanya ay nakatalikod ito at kita ko ang malapad nitong likuran.

Napa-frown ako. Baka siya ata iyong magkakasakit saming dalawa eh,  kasi wala siyang damit.

"Ayaw ko." sabay abot sakanyang damit. Hindi ko naman kailangan yan dahil parang wala lang naman na basa ako ngayon. Napatingin siya at seryoso ko siyang tinignan.

"Ah! Oo nga pala asan na pala si Fee-fee?" Pag-iiba ko ng topic. Tinalikuran ko siya at hinanap iyong Fee-fee na iyon. Narinig ko lang na napa-tsk ito.

"Who's Fee-fee?! Don't tell me may kasama ka pa rito!"

Hindi ko pinansin si Zed dahil abala ako sa paghahanap kay Fee-fee at ngayon ko lang napansin na napalayo ang paglangoy ko. Dahil na rin mabatuhan ang nakikita ko. Dahan dahan akong naglakad dahil sa mabatong daanan at may matubig ang dinaanan ko kaya medyo mahirap lakarin dahil baka madulas bigla.

Alam kong nandito lang sa malapit si Fee-fee.

"Where are you going!? You didn't answer my question yet!" Gosh i'm so annoyed may pagkakulit din pala 'to.

"Sshh!" Pagtatahimik ko rito.

"I heard something,"

Napatingin ako sa paligid dahil may naririnig akong paparating, hindi ko alam kong saan. Napakunot noo lang si Zed at nakiramdam din sa paligid.

*sshhh*

Sinundan ko ang tunog sa malapit na masukal na kakahuyan at seryosong napatingin roon habang hinanda na ang sarili. At pinalabas naman agad ni Zed ang nagliliyab niyang apoy sa kamay at handa nang atakehin kung sino man ang aatake.

*shh!* *sssh!*

Palapit ng palapit ang tunog ng kaluskos ng mapatingin ako sa paanan ko ng makitang may malapit na isda. Pabalik-balik ang tingin ko sa papalapit na kaluskos at sa isda.

Nakita kong ibabato na ni Zed ang apoy ng biglang may lumundag papalapit sa amin sabay kuha ko sa isda ng walang kahirap at sabay binato sa nilalang.

"Fee-fee!" Masayang lumapit ako kay Fee-fee na biglang linunok lang ang binigay kong isda. Pwede pala yon? Ay ewan ko ba.

Hinimas ko ang ulo ni Fee-fee na papikit-pikit dahil mukhang nagustuhan ang paghimas pati sa ilalim ng bibig nito.

"How dare you to call him Fee-fee, woman!" Parang bombang makasigaw si Zed habang pinupuntahan ang pwesto namin. Napatigil ako sa paghimas kay Fee-fee nang biglang kumaway ang buntot nito at excited pa itong napatingin kay Zed.

"Huh?"

"Raico. Come here." Biglang lumapit si Fee-fee kay Zed at masayang linundugan si Zed.

Parang narinig ko na ang pangalan na yon? Saan ko nga ba narinig? Ah! Ito ba ang tinutukoy ni Zed na tinago raw si Raico? Pero siya'y isang nilalang.

"Stop that Raico, don't Aishh!" Dilaan siya ni Fefe sa mukha na ikasimangot naman ni Zed. Pfft!

Galit na napatingin sa gawi ko si Zed pero di ko lang pinansin at nilapitan ko lamang ang nilalang.

"Kilala mo pala si Fee-fee hehehe,"

"What the! Saan mo naman nakuha ang mapantut na pangalan na yan? He his not Fee-fee!? He is Raico!" Napakati agad ako sa tenga, ang sakit kasi ng pagkakasigaw niya eh. Mukhang nagising ata ang mga natutulog kong tutuli. Joke lang! Nalinisan ko na nga yon eh.

"Okey fine but he's still my Fee-fee Zed." Pfft! parang iba ata ang pagkakadinig sa sinabi ko. Parang ano eh, parang ah basta!

"Right Fee-fee?" Kumaway-kaway naman ang buntot ni Fefe na parang sumang-ayon ngunit di nakaligdas ng dinilaan ang mukha ko. Napasinghap ako dahil sa laway.

"See, mukhang mas gusto niya ang pangalan na iyon, hehehe." Pulang-pula na ang mukha ni Zed na parang sasabog ano mang oras. Patay hehehe nagalit na ata.

"Fine, fine. It's Raico, he is Raico. Happy?" Napa-tsk lang si Zed.

"But I'll still call him Fee-fee, hmp!" Bulong ko ng mapatingin bigla sa gawi ko si Zed at pinaningkitan ako ng tingin. Si Fee-fee naman masayang papikit-pikit pa dahil hinihimas pa rin siya ni Zed. Halatang na miss niya si Zed. Pet ba ni Zed 'to?

"Oh shit! Hapon na pala," nataranta kong sabi dahil mag gagabi na rin maya-maya at hindi ko namalayan ang oras. Napansin rin ni Zed ang pagkataranta ko pero agad akong umubo kunwari.

"Ahm, Zed-"

"Tsk." Nagulat ako ng pinatong ni Zed ang damit niya sa balikat ko.

"Sakay na." Seryosong sabi ni Zed na nakatingala sa langit na unti-unti ng mag gagabi. Sumakay ako at ganun rin siya, bali nasa likuran ko si Zed. Napahawak ako ng mahigpit sa damit na binigay ni Zed at napalunok sa kaba. Mukhang may mali ata. Hehehe.



*************
Hellooo Readers~ i'm back. Sorry sa late, late, late update😢 kasi nasira ang phone ko at nandun ang account ko.☹😟 Nalimutan ko na rin ang password ng magkaroon ako ng bagong phone. Naging super busy din ako. Buti nag try ulit ako na buksan itong account. Kaya heto nagbalik muli ako. Sana supportahin nyo pa rin ang sturyang ito. At Salamat sa nagcomment at na appreciate pa rin itong sturya😊...wag mahiyang magcomment para malaman ko rin ang mga reaction nyu hehehe at magVote rin😊😊😊❤thank u!

-Haydeniey_blue

The Girl With The Eye Patch(On Hold)Where stories live. Discover now