1

90 2 0
                                    

"Psst.." sabi ko sa bestfriend kong natulala na naman dahil dumaan crush niya. Lagi na lang siyang ganyan, hindi mapigilan ang kilig pag dumadaan si Gian sa kanyang harapan. Bakit ba adik na adik to sa Gian na yun e feeling GWAPO at ang YABANG YABANG naman.

"Bakit?" sabi niya na hindi naaalis ang tingin kay Gian. Hay nako! Sobra na to. Hindi ko na alam gagawin ko sa bestfriend ko.

Nakatitig pa rin siya kung saan dumadaan sila Gian kasama yung ubod sungit niyang kaibigan. Akala naman ni Gian sobrang Gwapo niya, pwes akala lang niya yun. Bakit ba pinagtitilian sila ng lahat e normal lang din naman sila.

"Claire, halika na. Hahanapin pa natin room natin"

"Wait Liyah! Maaga pa. O kung gusto mo. Mauna ka na. Itext mo na lang ako" sabi niya. Putcha! Nakakainis. Mas uunahin pa niya yung Gian na yan kaysa yung paghahanap namin ng section. Tss.

"Ge. Bahala ka" sabi ko at agad agad tumayo sa pinagupuan namin at dumiretso sa bulletin board kung saan nakalagay ang mga section.

"Ang rami namang tao. Paano ako makikisiksik e ang liit liit ko" bulong ko sa sarili ko. Napag isipan kong maya maya nalang hanapin kapag umonti na ang tao tutal wala namang gagawin ngayon at first day palang. Nagbabasa ako ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Himala! Himalang may nagtangkang tumabi sa akin bukod kay Claire. Hindi ko na sana papansinin ng magsalita siya.

"Anong binabasa mo?" Sheyt! Ang lamig ng boses niya. At isa lang kilala kong ganyan kung umasta. Si Elias. Hindi ko nalang pinansin kasi baka hindi ako ang tinatanong niya. Mamaya masabihan pa ako ng Assuming.

"Zac.." Ako. Ako yung tinatawag niya. Kaya napalingon nalang ako.

"Uhm?" Hindi ko alam sasabihin ko dahil ito yung first time na makausap ko siya. Sa tatlong taon ko dito sa G Academy hanggang sulyap at titig nalang ako sakanya. At oo, gusto ko siya. Matagal na. Pero hindi ko sinasabi kanino man at hindi ko pinaparamdam.

"Haha. Sabi ko anong binabasa mo?" Juskoo! Tumawa siya. Tumawa siya sa harapan ko. At wait, tama ba ako ng rinig. Tinatanong niya ako? Juskoo. Aatakihin na ata ako sa kilig.

"A. I-to b-a? A-no. Best-friends.." Putek! Bat ngayon pa ako nautal. Nautal sa harapan niya. Nakakaloka naman kasi. Pinansin niya ako. Sa libo libong magagandang babae dito, ako. Ako ang pinansin niya.

"Maganda? Pwede pahiram? *smile*" Yung ngiti niya. Yung ngiti niyang ngayon ko lang nasilayan. Yung ngiting nakakahawa. Yung ngiting.. Wait! Ngumiti si ELIAS!? HIMALA..

"Oo. O ito" sabay abot sakanya.

"Hm. Bakit ka pala nandito? Bat hindi mo titingnan section mo?

"Hindi kasi ako makasiksik. Ang liit ko kasi" sinabi ko ng napakahina. Nahihiya ako. Nahihiya ako sakanya.

"Halika" sabay kuha ng kamay ko. Hindi ko maintindihan tong Elias na to. Ang alam ko at alam ng lahat hindi ito kumakausap ng babae o lalaki man at bihira itong magsalita. Pero bakit? Bakit niya ako kinausap, nginitian, tumawa sa harapan ko at ngayon hawak hawak ang kamay ko. Ang weird ngayon ni Elias a.

"Tumabi kayo!" ang sabi niya sa malamig na boses. At agad agad naman nahawi ang daan at nakalakad kami ng maayos at nakikita na namin kung saan nakalagay ang bulletin board.

"Zac.. B Building, Room 103 ka. Magkaklase tayo *smile"

"Wait. Hahanapin ko lang yung room ng Bestfriend ko"

"Wag na, magkakaklase tayong apat"

"Apat? Huh?"

"Gian"

"A" nasabi ko nalang. Sa lahat naman ng magiging kaklase ko yung Gian na pa yun. Ano nalang manyayari sa bestfriend ko at sa huling buong taon na to.

"Tara na?" aya niya. Hindi ko alam kung tama bang sumama ako sakanya. Hindi ko rin alam kung ano bang meron sakanya at nagkakaganito siya. Hindi lang ako ang nagtataka kung bat siya ganito dahil lahat na ng tao ay nakatingin kung nasaan kami. Eto. Eto ang ayaw ko. ATENSYON.

"Sino ba yan?"

"Bat kasama ni Elias yang babaeng yan!?"

"OMG! Ngumiti si Elias!"

"Kilala pala ni Elias si Elliyah?"

"Nagsama ang dalawang masungit"

"Akala niya maganda, hindi naman"

Ilan lang yan sa bulungan na naririnig ko. Tama bang bulungan o mas sabihin nating parinig nila? Tss. Kaya eto ang ayaw ko e. Ayaw ko sa mga taong mga pakielamera at walang magawa sa kanya kanyang buhay.

"Elias. Mauna na ako" agad kong sinabi at dali daling naglakad papunta sa kung saan man ang room namin.

Habang naglalakad ako, ang daming mga matang nakatingin. Karamihan pa dito ay mga babae. Wala naman akong ginagawa kung makatingin sila ang sama sama.

To: Claireeyy
B Building, Room 103. Asan ka ba?

From: Claireeyy
Canteen. Papunta na ako. Wait!

Canteen? Ang aga aga nasa canteen na siya. Napakatakaw talaga ng babae na yun. Pero nakakapagtaka, hindi man lang siya tumataba. San kaya niya dinadala lahat ng kinakain niya?

Habang hinihintay si Claire, nagscroll na lang ako sa Facebook ko. Wala man lang bago. Puro patama, hugot at mga uso laman ng newsfeed ko. Nagpost nalang ako at inaamag na account ko.

Zac Elliyah Castro
May mga tao talagang walang magawa sa kani kanilang buhay kaya buhay ng iba papakielaman.
Like▪Comment▪Share
You and 156 like this
Claire Antonette Cruz: Sino yan? 😏
Zeth Angelo Castro: Problem my dear sistah? 😑
Cedrick Gian Salvador: Hi Elliyaah. 😊
Mia Angeli Lopez: Bitch ka daw kase. 😂
Zander Elias Flores: Just dont mind them.

Wtf. Nagpost lang may problema na? Tss. Si kuya talaga o. Napaka ano. Ano naman problema ng Gian na to. 😑 Makacomment parang close naman kami. Tss. Wait! Makasabi naman ng BITCH tong Angeli na to parang hindi siya Bitch at fyi I'm not Bitch. Anong problema ba nun. 😑

From: Claireeyy
Liyaah! Wer r u? I'm here na sa tapat ng Room 103.

To: Claireeyy
Pasok ka na. Andito ako sa loob. Pinakalikod. You know me naman. Ayoko ng ATENSYON at MAINGAY.

From: Claireeyy
Nakikita na kita. Okayyy!

Cedrick's POV

Nakakainis naman tong Elias na to o. Nawala na lang bigla hindi man lang nagpapaalam. Pero ano pa nga ba aasahan ko sa ugok na yun? Nako. Haha.Andito ako ngayon, naglalakad mag isa papunta sa kung saan ang B Building, Room 103. Alam ko naman na andun na si Elias. Habang naglalakad ako, ang raming nagsisitilian. Wala e, ang GWAPO ko kase. Hindi ako mayabang nagsasabi lang ng totoo. HAHAHAHAHAHAHAHA.

From: Elias Sungit 😂
G. San ka?

Kahit sa text ang ikli at ang sungit sungit. Hindi ko nga ba alam bat ang raming nagkakagusto sakanya. Putek! Yun na ba yung uso? Maging masungit? HAHAHA!

To: Elias Sungit 😂
Miss mo na naman ako pare. Haha. Imissyou too 💚😘 Malapit na.

From: Elias Sungit 😂
K.

Wt! K.? Yan lang reply niya? Tss. Malala ka na ZANDER ELIAS FLORES.

[A/n: Okayyy. Hihihi. Nagawa na naman ng Imagination ko. 😂😂 Ctto sa picture.]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Akin ka lang ♥️Where stories live. Discover now