Chap. 8

6.5K 175 3
                                    

 

 

AURORA’S POV

 

 

Ang aga kong nagising. Pumunta ako sa bintana at binuksan ito..WALA SI ONYX sa may balkonahe. Napansin kong umuulan pala.

 

Nahagip ng aking mga mata ang isang bintana na makikita rin sa may balkonahe. Nakita ko si Onyx Nakasilip sa may bintana..Ewan ko kung nakikita n’ya ako. Pero masaya ako.

 

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko..‘yong nangyari kagabi paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan...

 

Parang pelikulang hindi ko mapagsawaang panoorin.

 

 

 

 

 

FLASH BACK

 

 

 

 

 

“Good Night, Araw.” Sabi ni Onyx habang hinatid ako sa may gate namin.

 

 

 

“Good Night din sa ‘yo, Onyx.” Tatalikod na sana ako nang hinawakan n’ya ang mukha ko at bigla n’yang hinagkan ang noo ko.

 

 

 

“THIS IS NOT AN ACCIDENTAL KISS... IT’S MY INTENTION.” Bulong n’ya sa akin.

 

 

 

Grabe, hindi ako magsasawang ulit-ulitin ang SWEET MOMENTS namin kagabi.. MAS LALO AKONG NAHUHULOG KAY ONYX.

 

 

Alam kong MAIKSI LAMANG ang tatagalin ng mga bagay na ‘to. Darating din ang sandali na mawawala rin ito. Nakakalungkot isipin pero LAHAT MAY PAGBABAGO. AYAW KONG MALUNOD SA MGA PAG-IILUSYON. TULAD NG SINABI KO KAY VINCE, SISIMULAN KO SA ARAW NA ’TO ANG PANLILIGAW KO KAY ONYX. ^___^

 

===========================================

 

Hinatid kami nina Nanay at Tatay sa aming eskwelahan. Meron kaming sariling sasakyan. Ginagamit nila Nanay papuntang probinsya kung saan ang aming bukirin.

 

 

“Nay, pag-uwi n’yo dito dalhan n’yo ako ng mga prutas.” - Ako.

 

 

“Ibibigay mo ba kina Nena at Andoy?” - si Nanay.

 

 

“Hindi ho. Para Kay Denielle.” - Ako.

 

 

 

“O baka naman para kay Onyx.” Biglang sinabi ni Tatay.

Say That You Love Me ( COMPLETED )Where stories live. Discover now