Dyosa Ng Buhay Ko

11 0 0
                                    

Ni: bebexboy

Paggising sa umaga, ikaw ang aking nakikita.
Buhok mong magulo, tila'y panakot sa daga.
Bibig ay nakabuka, at kama'y mo sa aki'y nakaangkala
Mahimbing ang tulog na pang prinsesa, postura nama'y pang usa.

Sa pagmulat ng iyong mga mata, pagkai'y nakahanda na.
Kung lumamon parang baka, ayaw magpaawat gusto'y tumaba.
Ayos lang 'yon, basta ikaw ay masaya.
Ngunit 'wag sobrahan baka ika'y paglamayan na.

Pula mong buhok iyong sinuklay, mga kuto'y nagising na.
Nagsimulang magtalon-talon, parang mga unggoy na nakawala.
Ang dyosa'y 'di ma lang naawa, kuto'y pinagtitiris pa.
Kanya-kanya silang kapit upang 'di na mahigit pa.

Boses mong kay sigla, bagyo'y tinawag mo na.
Tuloy pa rin sa pagkanta, mga santo'y nilapitan ko na.
Tigyawat mo'y pumuputok na, sige ka pa rin sa pagkanta.
Animo'y isang parusa, tenga ko'y bingi na.

O dyosa ng buhay ko, ako nga sayo'y itinadhana.
Kahit hininga mo'y amoy patay, titiisin ko O sinta.
Taglay mong ganda akoy natutulala, ngunit sa utot mo'y ako'y tumba.
Ikaw man ay may diperensya, mahal kita O aking dyosa.

---------------------Wakas----------------------

Kung gusto niyo pa ng susunod, maaari kayong mag comment. Maraming salamat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dyosa Ng Buhay KoWhere stories live. Discover now