One Shot Story

51 7 0
                                    

Dedicated to Autumn_Books

"I didn't choose you. I just took one look at you and then, there was no turning back."

"Please don't be inlove with someone else." -credits all to Google.

~○~

"Janine, nakahain na ang almusal. Pumarito ka na para hindi ka malate sa klase mo."mula dito sa kwarto ay rinig kong wika sa akin ni Nanang Tes.

"Nariyan na po!"pagkasuot ko ng uniform ko ay sinuklay ko naman ang basa ko pang buhok. Nagspray ako ng cologne at lumabas na.

"Nauna nang kumain ang ate mo. Ang sabi ay mauna na sya sayo at may kailangan pa syang tapusin na project sa school, magcommute ka na lang daw."sabi ni Nanang habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Nakasanayan niya ng gawin ito mula bata pa ko at kahit ngayon college na ko.

"Gano'n po ba? Buti nalang inagahan ko po ang paggayak ngayon. Matraffic pa naman dahil unang araw ng pasukan."sabay subo ko ng piniritong hotdog at mabilis na nginuya.

"O kaya nga kumain ka na ng kumain."nakatawa namang saad niya.

Inubos ko na ang pagkain nilagay ni Nanang at ininom ang kapeng tinimpla din niya para sakin.

Ako nga pla si Janine Rosal, 1st year college na ko ngayon sa UST- University of St. Therese. School ng mga elitista, mga anak mayaman, mga matatalino at magaganda. Pero hindi ako kabilang don dahil wala ako sa mga nabanggit. Dito lang napili nila mama at papa na pag aralin kami dahul maganda daw ang pagtuturo dito.

May kapatid ako, si Ate Jenna. Matanda sya sakin ng isang taon. At do'n din sya nag-aaral. Ang mga magulang naman namin ay nasa probinsya ng Ilocos, abala sila sa aming maliit na negosyo.

Nandito na ko ngayon sa assigned room, Room 323- para sa mga college na kumukuha ng AB Communication.
Hinihintay na lang namin ang una naming professor nang bigla itong dumating na may kasamang napakagwapong nilalang!

"Students, meet Alexus Moran, President of our School Org.
S.Y. 2016-2017."pakilala agad ni Mr. Jimenez sa gwapong lalaki na kasama niya. Dinig na dinig ko ang mga bulungan ng mga babaeng kaklase ko. Ako nama'y di makapagsalita sa pagkamangha ko sa taglay niyang kakisigan.

"Hello fellow students. I'm here to announce that we'll be having an election next week for the new set of officers. I hope you all will participate."at saka sya ngumiti. Tinitingnan niya ang lahat at nang matapat sa akin ay kumindat pa at nagwave.

Nagulat ako sa ginawa niya at yumuko na lang ako agad dahil sa hiya. Dahil kitang kita niya kanina kung pano ko sya tingnan. Nang muli kong namang itaas ang mukha ko para makita ulit sya ay saka naman sya naglaho na parang bula. Sayang.

Buong schedule ko nang araw na 'yon ay wala akong ibang naisip kundi sya. Alexus Moran. Ito lang ang laman ng isip ko mula pa kanina hanggang ngayon. 'Yung ngiti niya kanina sakin. Na pakiramdam ko ay para sakin lang. Matangkad. Gwapo. May karisma. Magaling magsalita. Neat and clean na parang kahit pagpawisan ay kay bango pa rin.

Niligpit ko na ang mga gamit ko at nilagay ko sa bag ko. Pagkalabas ko ng pinto ay naroroon sya!

"Hi!" Sabi niya.

Lumingon ako sa likod ko. Baka kasi may kasunod pala ko at ito pala ang binabati niya, pero wala. Ako lang mag isa malapit sa pintuan ng room namin.

"H-hello p-po."nahihiyang ko namang ganti.

Tumawa naman ito ng mahina pero sapat para marinig ko. "Wag mo na 'kong popo-in. Ahead lang ako sayo pero hindi naman halata diba?"
Biro pa nito. "I'm Alexus and you are?" Inilahad niya ang kamay niya.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 30, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

Enchanted to Meet YouOnde histórias criam vida. Descubra agora