Chapter Five

887 17 0
                                    

SINUNDO si Tessa ni Geo isang umaga sa kanilang bahay at pinaangkas lang siya nito sa motorsiklo nito. Tinatanong niya kung saan sila pupunta pero tanging sabi lang nito sa kanya ay sorpresa daw iyon sa kanya.

Hanggang sa makarating sila sa isang napakalawak na lupain. Huminto sila sa tapat ng malaking gate.

"What are we doing here?" nakakunot-noong tanong niya kay Geo.

Ngumiti lang ito. Tumapat ito sa CCTV camera na nasa itaas ng poste. At nagsalita.

"Hi Fred! Pakibuksan naman kami oh," anang nito.

"Masaya ako at napadalaw ka senyorito," anang boses sa speaker na nasa labas ng gate.

At bumukas ang gate. Sumakay itong muli sa motorsiklo at umangkas din naman siya agad.

Namangha siya sa lawak ng lupain na nasa loob ng bakurang iyon. Sementado ang daan at nagtatayugan ang mga puno na nasa gilid ng daan na siyang nagbibigay lilim sa kanila.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong niyang muli kay Geo.

"Basta mag-antay ka lang at malapit na tayo," nakangiting sagot nito sa kanya.

Nag-enjoy na lang siya sa mga tanawin na nadaanan nila. May mga manggagawa silang nadaanan na kumakaway sa kanila. Namimitas ng kape ang nasa kanang bahagi ang sa kaliwa naman ay namimitas din ng grape fruit. Sa may di kalayuan naman ay tanaw niya ang mga malalaking puno ng durian at rambutan. Napakaganda talaga ng lugar na iyon. For her, that place is a paradise.

Ilang sandali pa ay tanaw niya ang isang malaking bahay. It's a mixture of old and modern architecture. Maganda ang bahay na iyon – mas tamang tawaging mansion ito dahil sa laki nito.

Inihinto ni Geo ang motorsiklo nito sa tapat ng hagdanan. Bumaba siya na nakatingala pa rin sa kagandahan ng mansion. Napanganga sa sobrang pagkamangha.

"Dito ka nakatira?" tanong niya rito.

Tumango lang ito at ngumiti sa kanya.

"Bakit mo naman ako dinala dito?" tanong niyang muli.

"I want you to meet my parents," nakangiting sagot nito sa kanya.

Kinabahan siyang bigla sa sinabi nito. Sa ganoong ayos niya, nakapantalon at t-shirt siya haharap sa mga magulang ni Geo? Tiyak niyang glamorosa at sopistikada ang mama nito sa nakikita niyang ayos ng mansion nito. Napahawak siya sa hagdanan ng bahay.

"Tayo na. Papasok na tayo loob at naghihintay na sa atin sina Mama," anang ni Geo na hinila siya.

"Ayoko. Bakit hindi mo sinabi sa akin para nakapaghanda ako. Look at me," aniya.

"Ano bang mali diyan sa suot mo? Wala naman di ba? Komportable ka naman sa suot mo," wika nito na patuloy pa rin ang paghila sa kanya. Hanggang sa kinarga na siya nito paakyat doon sa hagdanan.

Nang makarating na sila sa pintuan ng bahay nito ay ibinaba siya nito. Napabuntong-hininga siya. Makikilala na rin niya ang mga magulang ni Geo at kinakabahan siya sa isiping iyon.

Hawak-hawak ang kamay niya ay magkasabay silang pumasok sa kabahayan. Nakita niya ang isang babaeng mga nasa early fourties ito at isang lalaking tantiya niya ay nasa kwarenta y singko na nakaupo doon sa sala ng bahay. Parehong nagbabasa ito ng diyaryo. Nag-angat ng tingin ang ginang siguro'y napansin na may taong papasok sa bahay nila.

A Song For You ***Published under Lifebooks***Where stories live. Discover now