Chapter 10

4.9K 137 13
                                    

"Kailangan muna nating umuwi kasi wala pala akong suot na underwear." Nag-aalangang sabi ko kay James.

Kung bakit ba naman kasi huli na ng malaman kong wala akong underwear. Sanay kasi ako na pag nasa bahay lang ay hindi ako nagsusuot ng underwear. Gagamit lang ako pag lalabas ako ng bahay o kaya ay pag may bisita. Mas kumportable kasi ako pag wala nito. Malayang malaya lang sa pakiramdam, subalit ang pagnanais kong maging malaya ay makakapag-dulot pala ng matinding kapahamakan at kahihiyan.

Tinignan lang ako ni James na parang nagtataka sa sinabi ko sa kanya kaya naman inulit ko ito sa kanya na may pagdiin sa bawat salitang lumabas sa aking bibig.

"James, wala akong underwear. Please umuwi muna tayo at saka na tayo bumalik pag may suot na ako." Sabi ko sa kanya na may pagmamakaawa, subalit sa pagsabi kong iyon ay hindi ko inasahan na sasapian siya ng kumag niyang pagkatao.

"HAHAHAHAHA!" Pag-tawa ng malakas ni James na nakapukaw sa ibang mamimili at mga salesperson. "WALA KANG BRIP?! HAHAHA!" Dugtong pa nito habang nakaturo sa akin.

Sa mga oras na iyon ay gusto ko na lang mawala ng parang bula. Sa lakas ng pagsigaw ni James ay talaga namang napatingin sa amin ang lahat ng nandoon sa lugar namin sa mga oras na iyon. Alam kong nagtatawanan ang karamihan dahil narinig ko ang paghagikgik ng ilan at yung iba naman ay tila ba napataas ng kilay sa kanilang nalaman.

"JAMES!!!" Pagpigil ko dito, pero parang wala itong narinig at patuloy pa din sa pagtawa. Kulang na lang ay maglupasay ito sa sahig ng mall sa sobrang kaligayahan.

"WALA SIYANG BRIP!" Pag-ulit pa nito habang tinuturo ako at di mapigilan ang pagtawa. "BAKIT WALA KANG BRIP?" Malakas na pagtatanong nito habang tumatawa.

Sa totoo lang ay naiiyak na ako sa mga pangyayari. Hindi kasi siya nakakatuwa. Okay lang naman kung bata pa ako kaso 29 na ako tapos pahihiyain pa ako ng ganun. Napansin ko pa ang iba na napahinto at talagang namang tumingin pa kung saan ako nakatayo.

"Halika! Ibibili kita ng...BRIP! HAHAHA!" Sabi muli ni James at talagang nilakasan niya at mukhang tuwang tuwa pa siya sa pagpapahiya sa akin.

Napayuko na lang ako at gustohin ko mang igalaw ang mga paa ko para maglakad papalayo sa lugar na iyon ay tila ba sinimento ang mga paa ko sa sahig ng mall. Ilang minuto ko din narinig ang pagtawa ni James. Maging ang ilang salesperson ay narinig ko pang nakipagbiruan sa kanya, hanggang sa tumahimik na ang mga ito at naramdaman ko na lang na inakbayan ako ni James.

"Halika na. Bumili na lang tayo sa baba para di na tayo umuwi. Isuot mo na lang sa CR para di ka na mailang." Sabi ni James sa akin na malumanay na pero rinig ko pa din ang mahinang paghagikgik nito.

Hindi ko pinansin si James at nanatili lang akong nakayuko. Mukhang nahalata na din sa wakas si James ang pananahimik ko.

"Huy taba! Halika na." Pag-aya nito sa akin at nakita ko pa ang paglayo ng mga paa nito mula sa harapan ko.

Imbis na sundan ko siya ay sa ibang direksyon ako nagpunta. Nakayuko akong naglakad dahil alam kong nakatingin pa din sa akin ang mga salesperson na nakarinig at nakasaksi sa kahihiyan ko. Naramdaman ko na lang na may humawak sa akin at saka ito nagsalita.

"Hindi diyan ang daan papunta sa bilihan ng mga BRIP." Sabi nito at natawang muli.

Dun ko na di napagilan ang pagkainis ko kay James kaya naman...

"PWEDE BA! UUWI NA AKO!" Pagsigaw ko sa kanya.

Wala na akong pakialam sa kung para akong nag-eeskandalo dahil wala na din naman akong mukhang maihaharap sa mga tao dun dahil sa kagagawan ni James. Napabitaw ito sa akin marahil sa gulat at nang maramdaman ko ang pagbitaw niya ay nagsimula na muli akong lumakad papalayo sa kanya.

BITTERSWEET (boyxboy) (Completed)Where stories live. Discover now