02: Tom n Jerry

7.3K 106 2
                                    

Keithen Arianne Gonzales
(Point of View)



Di makapaniwala si Ms. Choi sa sinabi ko na parang nagbibiro lang ako para sa kanya. Humingi pa ito ng pasensya kay Stephen na akala mo meron akong malaking kasalanan sa isang kamahalan. Napangisi naman ako at napailing-iling nalang.

"Arianne? Ikaw ang vice president dito and you should be the one-"

Di na naituloy ni Ms. Choi ang sasabihin niya nang pangunahan ko itong magsalita. Diko na masyadong nagugustuhan dahil nasosobrahan na ang pagka-pahiya ko sa araw na 'to at mas lalo sa ginawa saakin kanina ni mokong.

"I hope you don't get me wrong, Ms. Choi" agad ko na ibinaling ang paningin ko kay Stephen na mayabang na nakatingin saakin. "Kaibigan kopo talaga siya." Pagsisinungaling ko.

Napakunot pa ang noo nila Ishie nang sabihin ko 'yon. Alam ko na sablay pero ayokong isipin ni Ms. Choi na masama ang ugali ko. Lalo't vice president pa naman ako sa room namin.

"Totoo ba na magkaibigan kayo, Mr. Hernandez?" Nagtataka pa si Ms. Choi saamin pero gulat ako ng tumango si Stephen! Pati sila Ishie hindi inaasahan ang sagot ni Stephen.

"Yes ma'am. We're close friends.." tumingin pa ito saakin at nginisian ako. Mukhang hindi ko gusto ang balak niya, ah!

"Yun naman pala, eh! Atleast, panatag ang loob ko na walang magaganap na worldwar 3 dito." Pagbibiro ni Ms. Choi kaya natawa ang buong klase. "Sige na, let's start our class."

"Kaibigan pa nga," inis na bulong ko ng dumaan si Stephen sa harap ko. Di niya ako pinansin at agad akong nilagpasan na dahilan para mapahiya ako sa harapan at magbulungan ang mga estudyante. "Hambog amp!"

Inis akong umupo at agad na naubos ang oras sa walang kwentang pagdating ni Stephen. Napalingon naman ako kaagad nang ma-realize ko na nakaupo siya sa likuran ko!

tangina?

⊙_⊙

Upuan ni Kurt 'yon ah? asan naman uupo si Kurt kung siya ang uupo sa pwesto ni Kurt? bwisit talaga!

"Uupo muna si Kurt sa pwesto ni Andrew. Mamaya nalang tayo mag usap Arianne pagkatapos ng klase niyo. I have to go now."

Inis akong napalingon ulit sa likuran ko at salubong na kilay na tinignan ng masama si Stephen na busy sa pagsusulat sa notebook niya. Diko maiwasang mainis ng tuluyan sa kanya dahil sinusulat niya ang pangalan ko tapos may mga demonyong nakapaligid! Ah ganon pala ang gusto niya, ah!

Kumuha rin ako ng scratch paper at dinrawing ang mukha niya, kasama ang pangalan niya na may basurahan sa gilid dahil sa basura niyang ugali!

Nilingon ko siya mula sa likuran ko at inis na tinignan. Iniisip ko pa kung itatapon ko sa kanya 'tong papel pero hindi ko na ginawa. Tama! Wag ko nalang papatulan dahil baka mas lumala pa. Inis ko nalang siyang tinignan.

"Baka matunaw ako, picture-an mo nalang kaya ako?" hindi siya nakatingin saakin kundi naka-focus parin siya sa sinusulat niya nang sabihin niya 'yon.

Napa nganga naman ako sa inis dahil sa sinabi niya. Kakaiba din pala 'tong mokong na 'to eh!

"Kapal talaga ng mukha!" bulong ko.

He's My Ex BoyfriendWhere stories live. Discover now