Chapter Two

202 8 13
                                    

(FOUR YEARS BACK)

                                “NURSE, SA’N PO DITO ANG ROOM NI VELLE GARCIA?”

                Kaagad na tsinek ng nurse na siyang naka-duty sa may information desk ang tila malaking notebook ng mga pasyenteng in-admit sa Cardinal Santos Medical Center. Nang mahanap ay agad nitong itinuon ang pansin sa dalaga.

                                “Nasa room 209 po ang pasyente, Ma’am.”

                Hindi na nakuha pang sumagot ni Venice – dahil nagmamadali nitong iniwan ang naturang lugar at tinumbok ang second floor ng ospital. Pagkapanhik pa lamang niya sa may second floor ay natanaw na niya mula sa ‘di-kalayuan ang pamilyar na binatang tumawag sa kanya kangina sa cellphone, kasalukuyang kausap nito ang doktor at animo’y seryoso ang mukha nito. Binilisan pa niyang lalo ang paglalakad hanggang sa makalapit siya sa mga ito.

                                “The patient needs a thorough, full rest. Mukhang masyado siyang pagod lately kaya na-trigger ang migraine niya. Is the patient currently dealing on a very hectic schedule lately?”

                                “Uhm, malapit na po kasi ang finals nila sa university kaya medyo pagod po siya sa pagri-review lately. Most of the time, she’s up all night to have some wee revisions and quick reads of all her notes.” Sagot ng binata.

                Bahagyang napabuntung-hininga ang doktor at saka sumagot.

                                “Right! Much better kung ile-lessen niya ang mag-review ng gabi hanggang madaling araw. Kung hindi naman niya mapipigilan ang sarili niya, she should at least have a snooze for 2-3 hours after having a constant reading and revising with her studies. And please, make sure she avoids doing strenous activities that will trigger her migraine.”

                                “Yes Doc.” Tipid na tugon ng binata.

                Hahakbang na sana palayo ang doktor nang bigla itong huminto at humarap sa kanya.

                                “Are you sure it is migraine that your cousin has currently experiencing, Mr. Garcia? Coz basing on the results I have from her latest brain CT Scan is quite ----”

                Hindi pa man natatapos ng doktor ang iba pang sasabihin ay agad na nitong sinangga ng binata.

                                “Y-Yes Dok. Migraine lang po talaga ang sakit ng pinsan ko. Nothing else.”

                Matamang pinagmasdan saglit ng nasabing doktor ang binata, samantalang diretso lamang ang tingin nito sa kanya – mababanaag ang animo’y kaswal at paninigurado sa mga naging sagot nito sa mukha’t mga mata. Gustuhin man niyang sanggahin ang sinabing iyon ng binata ay minabuti na lamang niya ang manahimik. Napakibit-balikat na lamang ang huli at saka niya iniwan ang binata. Tahimik na hinatid na lamang ito ng binata, ngunit mapapansing tila palihim itong napabuntung-hininga.

                                “Kuya Paolo, kumusta na si Velle?”

                Biglang nauntag ang kamalayan ni Paolo nang marinig niya ang boses na kanyang narinig. Ibinaling niya ang pansin rito.

                                “V-Venice?! ‘Kaw pala. Ano, a-ayos na si Velle. Nagpapahinga na siya sa kwarto niya ngayon.”

A Fan's Dream (Book 2) [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon