13 °mothers day special

1.9K 65 21
                                    


Raena's POV



"Aray!" singhal ko ng dumapo ang kamay ko sa gilid ng frying pan. Shox! Napaso ako. Aish, bahala na nga. Basta makapag-luto lang ako ng almusal. "Anyare ate? Napaso ka?" nag-aalalang tanong ni Jisung. Tumango naman ako. "Tapos ka na sa pagch-chop ng beef loaf?" this time, siya naman ang tumango. "Na-prepare ko na rin yung mixed veggies. Kunin mo nalang sa lamesa." umirap naman ako. Psh, plano kasi naming i-surprise si mama. Instead na siya ang magluluto at gagawa ng chores, kami nalang ni Jisung. Sus, mapapagod na naman yun sa dami ng lilinisin niya. Tyaka ready naman ang katawan kong mapagod.

"Kinuha ko nalang yung mixed veggies ate. Umirap ka kasi eh. Baka sabihan mo na naman ako ng tamad."

"Totoo kaya. Isa kang tama----"

"Shhh ate, resist the urge."

Nako, may pa resist the urge pang nalalaman ang kapatid ko. Jusmiyo, malala na ang saltik niya. Nahawa siguro kay Haechan. "Jisung, why don't you look after mom? Baka gising na yun. Make her wait." utos ko na agad naman niyang sinunod. Dali dali ko namang inilagay ang diced beef loaf sa pan saka sinunod ang mixed veggies. Igigisa ko lang sila. Ito narin ang last dish na niluluto ko. I cooked spam, sunny-side up eggs, fried rice and now this.

Nang maluto na ito, I turned off the fire, placed the food in a bowl then isa-isa ko silang inilipat sa lamesa. Bumaba naman si Jisung, then he mouthed 'Gising na si mama'. I nodded. Pagkatapos bumaba ni Jisung, sumunod naman si mama. "Happy mothers day mom!" sabay naming bati may mama. Ngumiti naman siya saka niyakap kaming dalawa. "Aww thank you mga anak. Nagluto pa talaga kayo." ngumiti naman si Jisung. "Actually ma, ako po talaga ang nagluto nito. Wala pong ginawa si ate." pabirong sabi ni Jisung kaya binatukan ko siya.

"Ahh ganon? Ikaw nagluto? Ikaw?" nag-peace sign nalang siya.

"Happy mothers day mom. God knows how much you mean to me. Sana hindi ka mapagod sa pag-aalaga at pag-iintindi sa amin ni Jisung. Kahit baliw yang kapatid ko, inaalagaan mo parin siya. Kahit minsan nag-aaway tayo sa mga maliliit na bagay, patuloy mo parin akong minamahal. Kahit ang tigas mg ulo ko. Thank you po sa lahat lahat. You've done so much mom. Kaya hayaan mong kami naman ang mag-alaga sayo. I Love you forever."

_____________

a/n : happy mothers day sa lahat ng nanay sa buong mundo. You keep inspiring us to do better. Happy mothers day!

√ | feeling closeWhere stories live. Discover now