Chapter 4

242 15 1
                                    

Rusty's POV

Andito ako ngayon sa bahay nakatunganga nakakaburyo na nga eh, ah alam ko na lalabas na lang ako ( sa sobrang talino ko nakalimutan ko ng may barkada nga pala ako at pwede kaming tumambay at kung ano pa man ) talino ko talaga mwehehehe.

" Ma lalabas lang po ako ah jan lang ako kela Richard " pagpapaalam ko kay Mama habang dinidribble pa yung bola na hawak ko palabas sa bahay

" Magiingat ka anak ha huwag magpapagabi alam mo naman ang oras ng uwi ng isang disenteng babae hindi ba " pagsigaw ni Mama bago ako makalabas

Tumakbo naman ako pabalik papuntang kusina kung saan nagluluto si Mama " Ma anong disenteng babae? Asan ang babae dito? Ma may anak ka pa bang iba? " pagdadrama ko

" Aba'y gago ka ba Rusty? Ikaw lang anak ko ha at ikaw yung tinutukoy kong babae ha magtigil ka nga jan ayusin mo sarili mo " habang dinuduro niya ako sa hawak niyang sandok

" Nagpapatawa ka ba Ma? Hahahaha alam mo naman ang totoo Ma diba? "

" Oo alam ko anak sinasakyan ko lang yang kalokohan mo kaya hala sige alis ka na at magpakatomboy ka sa daan "

" Opo na nga Ma ikaw talaga bye Ma, I love you di kagaya niya paasa siya " kiniss ko din si Mama sa pisngin niya eh ano ngayon Mama ko naman siya hehehe

" Ika talagang anak ka ne, mikikalokwan kang talaga ( Ikaw talagang bata ka, may pagkaloko ka talaga ) " pagsigaw ni Mama and yep kapampangan si Mama while si Daddy is ewan ko wag na nating pagusapan yung mga taong wala naman dito.

" Pogi na ku man Ma anya ok mu ta, oh enaka papalag pota dagul ing silab ( Gwapo naman ako Ma eh kaya ok lang yon, oh huwag ka ng aangal baka lumaki pa ang sunog ) " ano ba yan nagsisigawan kami ni Mama hahahaha well nakalabas na naman ako kaya di na niya siguro ako narinig.

Aga's POV

" Pare tara puntahan natin si Rusty ayain natin magbasketball " pagaaya ni Richard

" Sige tara " at naglakad na kami ako, Richard, Martin at Robin papunta sa bahay nila Rusty ng may marinig kaming sumisigaw

" Pogi na ku man Ma anya ok mu ta, oh enaka papalag pota dagul ing silab " aba si Rusty yun ah? Ano na namang pinagsasasabi neto? Ayaw pa kasi kami turuan ng kapampangan para naman maintindihan namin siya eh

" Hoy Rusty!!! " sabay sabay naming sabi kay Rusty

Pero pfffft hahahaha nagulat ata si Rusty saamin kaya napatalon siya at naibato yung hawak niyang bola, kasi naman bigla na lang kami sumulpot sa harap niya

" AYYYY TAKNIDUMONG BOLANG A DAMULAG!!! "  hahahaha sabi ko na eh magugulat to eh hahahaha pero ano daw? Aish huwag na nga 

" Aray! Rusty tama na " sabi namin nila Richard dahil sa kilalang sadista nga ito isa-isa niya kaming piningot sa mga tenga namin

" Kayo, kayong mga hunghang kayo ha papatayin niyo ba ako? " ayan na nagagalit na si Boss HAHAHAHA

Hinimas muna ni Martin yung tenga niyang pinikot ni Rusty at " Hindi naman Rusty pero ang sakit ha ibalik ko kaya sayo "

" Subukan mo ng magkamatayan na tayo " panghahamon niya

OA naman nitong bespren ko - _ -

" OA mo Rusty " very good Robin HAHAHA

" Ay sumobra ba osha sige na bakit nga kayo andito? " pagtatanong niya pero wait may matanong nga muna

This Guy's In Love With You PareWhere stories live. Discover now