Chapter 7

10.4K 202 3
                                    

CHAPTER 7

DAEMUL POV

Andito kami ngayon sa hideout namin, bigla nalang kasi nag patawag ng meeting si uno ano naman kaya problema ng isang yun.

"paul alam mo ba kung bakit nag patawag ng meeting si uno?"tanong ko sa nakapoker face na katabi ko wala na naman bago, he's always wearing his poker face.

"ewan" nakakaiyak yung sinabi niya ang haba, sarap batukan

"andiyan na si tyro"pagkasabi ni jeff ay inilapag na niya ang beer in can sa lamesa

"dude may gusto ba kumalaban sa ating?" nakahawak ako sa baba ko habang nag tatanong kay tyro iniisip ko kung sino naman kaya poncio pilato ang naghahamon ng laban. Hindi naman magpapatawag ng meeting si uno ng walang dahilan.

"may kumukuha ng identity nating, sinasabi na sila ang dark prince pumunta sila sa underground nakasuot sila ng mask at may tattoo sila na katulad ng ating kaya nakapasok sila ng walang kahirap hirap. Buti nalang at hindi sila nag karoon ng lakas ng maghamon ng laban kung hindi masisira ang pangalan nating" hindi pa pumapasok sa utak ko lahat ng sinabi ni uno may ano daw?

"WHAT!" ngayon lang pumasok sa utak ko lahat ng sinabi niya mga gago yun ah! Makikita nila ang hinahanap nila!

"psh" napatingin ako kay paul sa reaction binigay niya

"seriously paul! Yun lang ang irereact mo? Wala ka bang any violent reaction? Or hindi ka man lang ba maiinis kailangan poker face pa rin" binatukan naman ako ni chanho sa sinabi ko

"gago ka talaga pre! Tigilan mo nga si paul diyan sa kakaasar mo pag pinatulan ka niyan sure na ko tulog ka hanggang bukas, ang weak mo pa naman *smirk*" aambangan ko siya ng suntok ng biglang hinawakan ni jeff ang kamao ko

"tigilan niyo nay an ha. Kailangan ng seryosong pag uusap ito wag niyo haluan ng kalokohan! Psh', uno kilala mo nab a kung sino ang mga gagong nag papanggap bilang prince's"seryoso ang pag kakasabi ni jeff kay uno

Nakatingin lang kami lahat kay uno na mukhang may iniisip nag iintay kami ng sasabihin niya

" hindi, mukhang magaling mag linis ng baho ang mga ito, kaya tayo mismo ang aalam kung sino ang mga gagong yun"igting ang panga ni uno habang sinasabi yun mukhang galit ito sa mga nalaman niya

"how?" nagtatanong na mga mata ni chanho ng sinabi niya yun

"psh" mukhang nairita naman si paul sa tanong ni chanho kaya bintukan ko si chanho agad naman niya hinimas ang ulo niya

"pre uso gumamit ng utak minsan wag puro babae ang nasa isip parang hindi ka bagay maging gangster medyo tanga lang pre?" nang iinis na sabi ko kay chanho hindi na naman ito umimik

"may mga tao ako na pinadala sa underground na mag rereport pag dumating doon ang mga nagpapanggap na dark prince's at tsaka tayo susugod at kakalabanin sila, sa ngayon kailangan nating mag double ingat dahil andiyan lang sila sa paligid at minamanmanan tayo para gayahin ang bawat kilos nating" uno is the best. Nagagawan niya agad ng paraan

"oh! pano ba yan, mukhang tapos na ang meeting aalis na ako at may date pa ko"taas baba ang kilay ko habang nakangiting nag papaalam sakanila

Chickababes here I come.

"ikaw daemul ang lakas mong sabihin na puro babae ang nasa utak ko, mas malupit ka pa nga sa aking!"nang iinis na sabi ni chanho sa aking bumabawi ang loko psh'

"selos ka naman dude hayan mo ikaw naman ang inuuwian ko *wink* basta text niyo nalang ako or tawagan pag sasabak na tayo sa laban hehe" umalis na ako baka mamaya mabanatan pa ko ni chanho mahirap na hindi ako makakascore sa mga baby ko pag may gas gas ang gwapo kong mukha

Black RoseWhere stories live. Discover now