Pain Is Beauty

14 3 4
                                    

"Bat ba kasi ang panget panget ko?" Yan lagi ang tanong ko sa sarili ko. Okay naman siguro maging panget pero yung super panget? Ibang usapan na iyon. Hay nako itinanong ko na rin yan sa nanay kong si Florida pero tanging tango na lang ang kanyang nagiging sagot. Sa amin kasing magkakapatid ako lang yata siguro ang sabihin na nating walang ganda. Oh diba ang harsh ko sa sarili ko? Oo yun nga ang tamang term para sa akin.

Nakasanayan ko na rin ang hindi pag pansin sa mga pang aalipusta nila sa akin! Ano nga bang magagawa ko kundi tanggapin na lang kung ano ang totoo.

booogsssshhh

"Aray ano ba?!" Galit na galit kong sambit na may bumato sakin ng bato sa aking ulo. Buti na lang hindi natamaan yung mukha kundi mas papanget pa ko lalo.

"Wala kang karapatang mag inarte, unang una panget ka! Pangalawa panget ka pangatlo panget ka" sabi ng lalaking tambay na nadaan ko sa kanto ng bakery namin.

Sinubukan ko mang umiyak pero wala na rin naman akong magagawa kundi tanggapin ang totoo na pag maganda ka irerespeto ka at mamahalin ng tao. Pero kung panget ka katulad ko wala kang puwangnsa mundong ito, ginawa ka lang dito para gawing katuwaan ng mga sabihin na nating magagandang nilalang.

Iniisip ko nga na sana balang araw ay gumanda ako at hindi na pandirihan ng ibang tao.

Umiiyak ako ngayon hindi dahil sa panget ako kundi dahil sa kirot ng sugat sa ulo ko na pumutok dahil sa pagbato ng tambay samin. "Ang sakit na talaga hindi ko na kayang tiisin lahat ng pang aapi nila sakin!"

Kaya ko naman tanggapin lahat ng sakit pero hindi ko kaya ng sabay sabay.

Tumakbo ako kung saan walang makakakita sakin at makakahabol, Wait? Habol oo nga pala panget ako at walang magtatangkang sumunod sa ganda ko. Kung irarate natin yunb ganda ko sa 1-10 dahil humble ako, 0.5 yung napili ko. Oh masaya nakayo dahil nakalait nanaman kayo ng tao.

Hingal na hingal ako sa pagtakbo sa kalsado. Tanging hagulgol ko lang ang aking naririnig sumabay rin ang malakas na busina na napatingin ako sa likod, at nabundol ako ng isang vios na sasakyan, nakaladkad ako damang dama ko lahat ng sakit, pait, kirot. Hindi ko iniinda ang sakit sa galos ko at nakita ko ang isang mala adonis na lalake sa aking harap habang ako naman ay nakahandusay sa kalsada. Punong puno ako dugo at nahihilo na rin ako sa mga oras na iyon.

Isang puting ilaw ang bumungad sa aking mga mata. Hindi ko marahang maigalaw ang aking braso dahil nakatamo daw ito ng minor injury na narinig ko na kausap ang isang lalake.

Sinubukan kong alalahanin lahat pero wala na akong maalala. Kumikirot ang aking ulo.

"Sino ba ako?" Tanong ko sa sarili at sana may isang taong nakakakilala sa akin.

"Goodness miss, buti gising ka na!" Alang ala ang mukha ng isang binatang to at may dalang bouquet ng bulaklak sa harapan ko.

"Boyfriend ba kita?" Tinawanan lang ako ng isang hinayupak na ito. Kinuha niya ang maliit na salamin na nakapatong sa ibabaw ng mesa at itinapat niya ito sa aking mukha. Siguro nga hindi ko siya bf, ang kapal naman ng mukha ko, naalala kong panget ako pero yung pamilya ko? Nasan sila at sino sila? Kamusta kaya sila?. Isang benda ang nakatapal sa aking mukha, sana sabay sa pagtanggal ko nito ay mawala na rin lahat ng sakit na naidulot nila sa akin.

Sinubukan ko talagang alalahanin ang bawat katiting ng buhay ko pero wala talaga eh pigang piga na eh.

"Uy binibiro lang kita ha!" Sabay ngiti niya nanaman na nakakaloko sa akin na nagpabilis ng tibok ng aking puso. Nakita ko sa maliit na i.d niya ang pangalan ng isang nilalang na ito. "Brent Riverdale" pabulong kong binasa ang pangalan na nasa dibdib niya.

Ilang buwan na rin pala akong nakaconfine sa magarang hospital na ito, ni isa man lang sa pamilya ko ay walang nakakaalam sa pangyayareng ito.

.......... 2 months later.

Gumaling na ang kondisyon ko sa ospital na tinuluyan ko, pero hanggang ngayon ay wala akong matutuluyan.

Pinapag praktis muli ako ng doktor ng mga basic skills para manumbalik lahat ng nawala sa akin. Nagamay ko na rin muli ang paglalakad ng walang saklay o anumanh bagay.

Nakatingin ako sa isang salamin habang tinatanggal ng doktor ang bendang nagtakip sa mukha kong miserable pero ibang mukha ang nakikita ko isang mukha na pwedeng mahalin ng tao, isang mukhang magbibigay respeto sa iyo sa lipunan.

"No one will love you if you're unattractive"

Totoo naman diba, truth slaps you. Pero maganda na ako handa na rin siguro akong magmahal.

At si Brent Riverdale yun.

Nakasakay ako sa isang mercedes benz niyang kotse, at dahil wala akong matutuluyan sa ngayon at wala pa akong masyadong maalala kinuha niya ako bilang isang model sa kanilang kompanya. Natuwa ako sa naging offer niya sa kin at dito na magsisimula na ipangalandakan ko ang kagandahan ko.

Alam kong kahit hiram lang ang mukhang ito, ay madadala niya ko sa karangyaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pain is beautyWhere stories live. Discover now