Chapter Four

131K 2.2K 72
                                    

Chapter Four

 

            “Bakit?” Nahinto siya sa paglalakad ng marinig ang boses ni Gypsy nasa silid kasi siya ngayon ng kaibigan. Katatapos lang niyang basahin ang lahat ng folders na ibinigay sa kanya ni Kirra na ngayon ay nagflylalo na sa kung saan. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit sumasakit ang ulo niya. Iyon ay dahil sa tawag na natanggap niya mula sa pinsan niya. Hindi niya kayang ipagkanulo si Gypsy sa sariling bahay nito. “Sumasakit ang ulo ko huminto ka nga please lang.”

            “Help me, someone is after me.” Nasabi nalang niya to divert Gyp’s attention from what will happen tonight.

            “After you? Sino?”

            “Si… shit! Hindi naman ako dapat ang hinahabol niya kundi si Kirra but I don’t know where she is right now. And as much as I would love to explain na hindi ako si Kirra ay ayaw niyang maniwala. Sa kasal ni Amber at Landon pa siya ganoon at napaparanoid na ako.” Wow, siya na ang magaling magtahi ng kwento. Partly true naman iyon, si Pierce nalang ang gagamitin niyang palusot.

            “Kirra’s lover?”

            “I don’t know galit kay Kirra eh. Natatakot na ako friend.”

            “Paranoid ka ngang masyado ano ka ba? Alam ba niya nandito ka?”

            “I don’t know sana hindi pero hindi ako pwedeng magtagal dito. I need to stay somewhere safe.”

            “Is that the reason why you are here?”

            “One of the reasons.”

            “Ano pa iyong iba?”

            Pinameywangan niya ito. “Ikaw! Bakit mo sinaktan na naman ang pinsan ko?”

            “Ako? Hindi ko na sinuntok si Eugene in fact naging mabait na ako sa kanya

            “Mas sasaya pa nga ako kung sinuntok mo nalang siya kaso binasted mo siya.”

            “Ako? Hindi naman siya nanligaw sa akin ah paano ko siya mababasted?”

            “He said he likes you but you didn’t believe it.”

            “I didn’t I just said na naguguluhan siya sa iniisip niya.”

            “But you love him.”

            “I didn’t said that I don’t.”

            “So mahal mo talaga siya?” hindi ito sumagot at nanatiling nakatitig sa TV. “Tama nga ako ng hinala eh. Nang umuwi ka mula sa inyo alam kong may nangyaring kakaiba kung hindi pa ako tumawag sa inyo hindi ko malalaman mula kay tita kung sino ang nakasama mo doon. Kaya pala ganoon ka nalang kaguilty ng masabihan mo siya ng masama at ganoon ka rin ka-eager na magsorry sa kanya because you already have a growing feelings for him.” Hindi ito sumagot. “Kung mahal mo na pala siya bakit hindi mo sinabi?”

Royale Series 7: TEARS OF MINE (COMPLETED)Where stories live. Discover now