Chapter 7: Psychopath's Game

44 21 17
                                    

××××××

Matt's POV

Hindi ko akalaing mangyayari sa amin ang lahat ng ito. Sa isang iglap lang ang dating tahimik naming buhay  ay sisirain ng isang kagimbal gimbal na pangyayari.

Hindi ko talaga malaman ang problema ng lalaking iyon. Nkadaragdag sa tensyon ang kaniyang suot. Akala ko ay sa prank shows lang makikita ang mga killer clowns. Sana nga isa lamang itong biro o kaya naman ay isang panaginip.

Paano kami makakalaban sa kaniya, mukha siyang malakas, malakas pa siya kay dad.

"Hay! Wala akong maisip." Dahil sa pressure na nararamdaman ko ay hindi gumagana ang utak ko. Sana pala ay hinanap na namin ni kuya Arjay ang lalaking nasa basement. Sabi niya ay hide and seek ang gusto niyang game, pero paano naman niya kami mahahanap?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng tapikin ako ni kuya Arjay saka lang natuon ang pansin ko sa kasalukuyang nangyayari.

×××××××

" may idaragdag lang ako, sino man ang huli kong mahuhuli siya lamang ang papalabasin ko ng buhay. Sounds good right? But if you'll kill me maybe you can all go, but that's impossible."

"How about my wife? He can barely walk?"

"It's up to you kung sasamahan mo siya sa pagtatago o iiwanan mo siya rito para mas maging madali ang lahat."

Tumingin ang tatlo sa kanilang dad at naghihintay ng kasagutan.

"Just leave me here Leo, I want you to survive and protect our children." Habang sinasabi ito ni Mrs Alvarez ay hindi niya mapigilang maluha. Masakit para sa kaniya ang desisyon na ito. Walang sinuman ang gustong mamatay at iwanan ang mga mahal sa buhay. Naiyak na rin si Mr Alvarez.

"But Lucia, I can't just leave you"

"But you need to."

Pati si Arjay na bihirang umiiyak na naluha na rin. "Mom" Hindi niya kailan man inakala na darating siya sa mabigat na desisyon na ito. Ayaw niya iwanan ang mom niya pero naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Ayaw nitong maging pabigat.

"No, I'll take you with me Lucia. If there's a chance for you to survive even if it's less than 1% we'll take thats chance." Umiiyak na wika ni Mr Alvarez habang lumalakad ito palapit kay Mrs Alvarez. Lumalakas na rin ang iyak ng tatlo nilang anak. Ngayon lang nila nakitang umiiyak si Mr Alvarez. Lagi nitong pinapakitang malakas siya.

"You don't understand hon, malapit na rin akong mawala dahil sa dami ng dugong nawala na sa akin. Go! Protect them."

"Antagal mo namang magdesisyon!  You only have five minutes left to hide if I were you I will start to look for a good place." Pang-aasar nito sa pamilya.

"You son of a bitch! " susuntukin sana ni Mr Alvarez ang lalaki pero hinawakan siya ni Mrs Alvarez at tumingin ito na nagsasabing wag ng ituloy ang binabalak.

"What? Susuntukin  mo ako? Go! Hahaha"

"Dad!" Sigaw ni Matt

Ibinaba ni Mr Alvarez ang kaniyang kamao tanda ng pagsuko.

"Go honey." Wala ng ibang nagawa pa si Mr Alvarez kung hindi ang umalis at iwanan ang asawang halos 33 years niya ring na kasama.

"Mom." Sambit ni Kath.

Bago umalis ay hinalikan muna ni Mr Alvarez ang kaniyang asawa sa noo habang patuloy na sinasambit ang katagang "sorry"

"How sweet but she will die soon. Hahaha"

Lumakad na palayo si Mr Alvarez patungo sa kaniyang mga anak. Nilingon niya ito sa huling pagkakataon.

"I love you Lucia... I will protect our children no matter what."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HUSH: A Single NOISE may KILL youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon