Chapter 27: The Ghost Of The Past

3K 77 35
                                    

 ~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

= A/N: =

Grabe... honestly... natatakot akong ipost ang chappie na 'to... 

Baka kasi may biglang sumugod sa'kin at ipaglampaso ang pagmumukha ko sa aspalto....

( ...tagal ko kasing hindi nag-update...)

Pero, i'll take the risk... kasi baka mas madami pang sumugod kapag hindi ko tinuloy 'tong story na 'to... aheheheh...

Salamat sa walang tigil na suporta...

Ah oo nga pala... PARENTAL GUIDANCE IS NEEDED.  ^____^

 ~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~~*~

~* Chapter 27 *~

The Ghost Of The Past

= Yumi's POV =

... two years ago plus some months ...

"Mitchy!! You'll come later right?"

"Anong meron?"

Tiningnan ko siya nga masama. "We have a gig you big lug!!"

"Ahhh... haha... of course i'll come. Wala akong tiwala sa boyfriend mo eh." 

"Sssshhhh..."

Naman! Ang lakas ng boses, nasa may office niya lang si Kuya, anlapit dito sa sala, kung makapag-bunyag na may boyfriend na ko oh!

"Sorry..." he said that in a 'i-don't-really-care-if-he-hears-it tone.

"Asar ka! Alam mo yun?!" Nag-walkout na ko dahil wala akong mapapalang matinong usapan diyan kay Mike. Nagtungo na ako ng kuwarto at naligo. 

Asar talaga ang kakambal ko na yun! Alam niya naman na hindi boto si Kuya kay Nick tapos nilaksan-laksan pa ang boses. Buti na lang hindi siya narinig dahil kung oo, tch! maghahalo ang balat sa tinalupan and it would be a bloody one. 

Ewan ko ba kung bakit ayaw sa kanya ni Kuya, nila pala ni Mike, eh ang bait-bait ni Nick sa'kin. Parang prinsesa na nga ang turing sa'kin nung tao. Ano pa ba ang gusto nila? Masyado lang siguro silang over-na-over-protective.

Matapos mag-prepare, bumaba na ako sa sala na nakapang-gig attire na. Black leather leggings with matching 4-inch heeled boots. Tapos ang top ay black na tube mini-dress, may pagka-gothic style din siya kasi madami siyang lace. Nakasakbit na din sa balikat ko si Gitah, my RP Guitar made by Derek Manson. 

"Tch! Tch!" Narinig kong may nagpapalatak sa likod ko. Hindi ko na kailangang lingunin dahil siya lang naman ang nakaka-asar ang boses sa bahay na 'to.

"Anong problema mo?"

"Sissy naman! Baka makasuhan ka na niyan?"

Huh? Nilingon ko na din siya at tinaasan ng kilay. "Pinagsasasabi mo diyan?"

"Baka makasuhan ka niyan ng INDECENT EXPOSURE!!!"

Indecent exposure agad? Ang OA! Para balikat ko lang yung kita! I walked around him at nagtungo sa office ni Kuya Fritz. Kumatok at ng marinig ang walang kalatoy-latoy niyang sabi ng 'pasok', pumasok na nga ako. Pagkakitang-pagkakita sa'kin ni Kuya, napahawak agad siya sa sentido niya.

At baket?

"Mayumi. What kind of attire is that?!"

Sus! Magkapatid nga sila ni Mike. Lumapit na lang ako at tumayo sa likod niya para hilutin ang sentido niya. My way of lambing to him. Eew... So conyo. Nahahawa na ako sa mga nakakasama ko sa gig na groupies ni Nick. Tch! 

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Where stories live. Discover now