(11) Interview

17 1 0
                                    


Habang paakyat kami sa 10th floor kung saan mangyayari ang interview hinawakan ni bestie Mayumie ang kamay ko sabay bulong, "Bes, kun kanina naiihi ako, ngayon mukhang matatae na ata ako"

"HAHAHAHAHAHAHA! Walangya ka bestie! Kakabagan ako sayo eh! Pero sa totoo lang, kinakabahan din ako. Mukhang mapapalpitate puso ko at diko alam kung bakit." Sabi ko pabalik sa kanya.

Ting ! Hudyat na nasa 10th floor na kami. Isang pintuan lang naman ang nandito at nasisigurado kong ito ang Interview room.

Ding .. Dong .. Pagdodoorbell ko sabay tingin at ngiti sa camera na nasa gilid ng pinto .

"Come in!" Anang baritonong boses na nasa loob. Narinig ko kasi may mini speaker sa labas na halatang konektado sa isang voice device sa loob.

Unti-unti kong binuksan ang pinto at sabay na pumasok kami ni bestie sa isang may tamang laki na interview room. Maganda't elegante ang pagkakadisenyo at halatang lalaki ang nagpapatakbo ng kompanya.

"Uhm - hello ! I am Raeven Leigh Wilson and I am with Mayumie Fernandez Dela Merced. You're company is expecting us for an interview for the position of secretary." Sabi ko sa lalaking nakatalikod sa amin na nagtataglay ng matipunong braso at magandang height at kahit likod palang, ulam na mga bes. Mukhang swerte ang araw nato ah. Hahahaha. At walang ano ano'y lumingon na nga ito with a dashing smile on his face na syang halos makapalaglag ng panga ko.

My Greatest What IfWhere stories live. Discover now