chapter 13

2.9K 125 4
                                    

Habang nasa loob kami ng sasakyan wala kaming imikang dalawa.Wala din kasi ako sa mood kausapin sya,and at this moment # beastmode ako.Feeling ko kasi napipilitan lang syang ihatid ako.Pero maya't maya naman ang sulyap nya sa akin.Kaya di na naman nakatiis ang madaldal kung bibig

"May problema ka ba?Alam ko napipilitan ka lang ihatid ako.Kung ayaw mo..sana sinabi mo kanina para nagpasundo nalang ako kay Ken.

"At sa tingin mo pag-ginawa ko yun, di magagalit si Mommy at yung dalawa kung kapatid sa akin.Saka wala akong problema may iniisip lang ako..

"Bastos ba yan?Kasi kanina ka pa tingin ng tingin sa akin..

"Pag bastos ba iniisip ko kailangan sayo ako tumingin.Di ba pwedeng horror naman ang iniisip ko kaya ako nakatingin sayo...pilyong ngiti ni Liam

"Ah ganun....eh kung patayin kaya kita ngayon para maging horror na talaga.Hmp!!!if I know nagagandahan ka na sa akin.Siguro naiin-love ka na sa akin no.Ayeee..crush nya na ako..wag ka na mahiya tayo lang naman dalawa,promise walang makakaalam..di ko ipagkakalat..

"Joke ba yan?nakakatawa kasi!At ako pa talaga!! maiinlove sayo....in your wildest dreams bebang..asa ka pa!May girlfriend ako baka nakakalimutan mo..

"ah ganun..bakit? lamang lang naman ng isang drum na paligo yan jowa mong mukhang papel...sarap ibalot sa tinapa...kung maka- "in wildest dream" ka naman sa akin grabe ka.Saka kung di ako maganda liligawan ba ako ni Ken.Ikaw lang naman di tinatablan ng alindog ko.Manhid ka kasi.Kala mo pagna inlove ka talaga sa akin who you ka..

"Ako maiinlove sa'yo..asa ka pa di ba basted ka na..kasi nga di kita type..

"okay fine..ako na ang di mo type!!!bwesit kala mo kung sino palibhasa yummy at gwapo kaya ang yabang..bulong ko pero narinig din pala

"buti alam mo na mas yummy at gwapo talaga ako dyan sa ken mo.


"at sino namang panget ang nagsabi sayo na mas gwapo ka kay ken.Eh ang sweet,ang bait,generous,malalahanin at gwapo din kaya nun..di tulad mo gwapo at yummy nga pero masungit,palasigaw,at masama naman ang ugali mo.At dahil basted ako panget ka na sa paningin ko tse..at madaming tse..

"hoy bebang mas matagal ko nang kilala si ken kesa sayo kaya alam ko na di totoo lahat ng sinabi mo..at ako pa talaga masama ugali..at sa tingin mo mas lamang sakin yung mukhang baklang  yun..

"oo kaya..wait anong bakla..si ken bakla...di kaya..ang sarap nya kaya humalik..nakangising sagot ni bebang..

Nagulat si Bebang ng biglang magpreno si Liam at muntikan na syang masubsob..

"anong sabi mo hinalikan ka nya?galit na tanong ni Liam

"Hoy!!kung gusto mong magpakamatay wag mo ko idamay ha.Di pa ako nakatikim ng luto ng Diyos.Virgin pa ako oi.yung lips ko lang ang hindi na..saka bakit ba?..e ano naman pakialam mo jowa ba kita?

"kahit na!! at talagang malakas ang loob mo na sabihing masarap sya humalik.galit na sigaw ni Liam

"Eh sa totoo naman..bakit ka nagagalit dyan.Sinisigawan mo pa ako..

"At sinong di magagalit sa ginawa mo.Halika dito..hahalikan kita para malaman mo kung sino sa amin ang masarap humalik..

"Ayoko nga!! saka di ba sabi mo di mo ako type.Pwes in your wildest dream din.Manigas ka dyan..di mo ako mahahalikan.

"Manigas talaga ..baka di mo magustuhan kapag nanigas to kasi sigurado ako ihi lang pahinga mo..

"Anong pinagsasasabi mo dyan.Ewan ko sayo basta ayoko..kung gusto mo talaga akong halikan magmakaawa ka muna, baka sakaling maawa ako sayo..tse..at isa pang tse..

Lumalab-layp na si Bebang (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon