Chapter 1:Is it a Warning? Part 1

59 1 0
                                    

There's a Devil in 8-A Class

by redheart12345

Marianne's P.O.V.

Kanina pa ako palakad lakad rito sa kagabutang hindi ko alam kung paano ako nakarating rito.Maganda,Maaliwalas ang Paligid,Mga Matatayog na puno,mga ingay ng Hayop,Sariwang Hangin..,Ganito kung ilalarawan ang Paligid ko Ngayon.

Ang Gaan sa Pakiramdam.parang pansamantala nakalimutan ko ang mga problemang Pinagdaanan ko ngayon.

Patuloy pa rin ako sa pagtahak ng daan ko dito sa kagubatang 'to ng isang kumikinang na bagay ang nakita ko sa madadahong baging.sa likod nito'y isang kweba na hindi ko alam kung saan patutungo.

Kakaiba ang pagkislap na nagmula doon.para kang hinihipnotismo at sinasabing pasukin ko ang kwebang yun.at dahil sa hindi mapigilan ang aking kuryosidad ay walang pagdadalawang isip ko itong pinasok.

Sa pagpasok ko sa kweba'y humampas sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin na dahilan upang magsitaasan ang aking balahibo.Parang may mali. Yun ang nararamdaman ko ngayon.

Makalipas ang ilang minuto ay narating ko ang hangganan ng Kweba.Hinanap ko muli ang pakislap kislap na liwanag ngunit wala na.

Naging makulimlim rin ang panahon sa paglabas ko.sabayan pa ng napakalas na kulog na nagpakabog sa aking dibdib.

Nandito ako ngayon sa lugar na pamilyar sa akin. Ilang layo mula sa kinatatayuan ko'y may isang lawa and the rest...,napapalibutan ng matatayog na puno ang lugar na 'to.ang pinagkaiba nga lang nito sa dinaanan ko kanina ay walang kulay.purong kalungkutan at kapighatian ang nadarama ko sa lugar na 'to.

Aalis na sana ako ng may narinig akong boses.boses na galing sa bata.hinanap ko ang pinagmulan nito at nahagilap naman ng aking mata ang dalawang. Batang Babae.

Base sa nakikita ko,kambal sila.parehas sila ng damit.Kulay Lila na Damit hanggang tuhod at nakaitim na sapatos.Nasa maliit sila na tulay malapit sa lawa.nag-aaway sila.

"Pag-usapan natin 'to.please!" pagmamaka-awa nung kambal na nasa unahan at patuloy ito sa pag-atras na kapag hindi siya tumigil ay tuluyan siyang mahuhulog Habang ang isang Kambal ay patuloy sa pag-abante na para bang wala siyang paki-alam na mahulog ang kakambal niya.

Tumigil Saglit sa paglakad paabante ang isang kambal at nagsalita.

"Wala na tayong dapat pagusapan pa hdfisnoel." hindi ko narinig ang sunod na sinabi nung isang kambal dahil bigla akong nabingi.maya maya'y bumalik naman sa dati ang aking pandinig.

"Simula nung dumating ka kinuha mo na ang lahat. Ang kasikatan ko,Mga kaibigan ko,laruan pati ba naman si Mama at Papa!! Hindi ka ba nakuntento ha!" galit na sinabi ng isang kambal sa kambal na nasa dulo na ng daungan.

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong inagaw! Pag-usapan naman natin to sa magandang paraan" pagsusumano ng isang kambal na nasa dulo ng daungan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

There's a Devil in 8-A Class (Watty's 2017)Where stories live. Discover now