Chapter 1: Farewell

364 2 1
                                    


3 years ago:


Today is my High School Graduation. Kahapon palang sobrang excited nako, iniisip ko na matatapos na din sawakas ang apat na taon na paghihirap ko. Ang stressful kaya sobra ng stay ko dito sa school na to. Simula nung 1st  year palang binu-bully nako ng mga tao dito dahil sa itsura ko. Well, hindi ko naman sinasabi na sobrang pangit ko kaso kasi sobrang manang ako. As in hindi ako marunong mag-ayos. Sige eto para visualize mo yung itsura ko:

· Height: 5 feet 6 inches

· Weight: 98 lbs

· Hair: Overly dry

· Fashion: Oversized uniform plus sobrang taas na medyas

In short para akong kalansay na lumulutang dahil sa oversized kong uniform plus sobrang nangarag yung buhok ko. Hindi ako marunong magayos nun and sa totoo lang wala din akong pake talaga. Bakit ba, nasa school ako para magaral noh hindi para magmaganda. 

"Blair Munoz, Deserving Student"

Ayan na tinawag na yung pangalan ko. Kasama ko umakyat si Mama sa stage. Umuwi pala sya galing Canada para makapunta sya sa graduation ko and para sa isa pang rason. Mamaya ko na sasabihin yung rason na yon hindi pako tapos magkwento tungkol sa graduation ko eh. 

So eto na nga nakaayat nako sa stage and nakuha ko na yung medal ko. After ng ceremony nag-picture taking pa kami ng classmates ko at syempre ng mga beshies ko - Si Liza, Jaz, Sophie, Lia, Francine, Kyla at Michelle. Lahat kami honor students and sobra talaga akong proud sa kanila. Sobrang saya ko na sa ganitong klase ng barkada ako nasama. Mababait at matatalino pero may mga topak din tong mga to. Umiiyak nga sila ngayon kasi hindi na daw kami magkikita kita tapos kakalimutan nalang daw naming yung isa't isa. Parang tanga nga eh magkikita naman kasi kami bukas kasi kukuha pa kami ng clearance. Gusto ko nga sanang batukan kung wala lang yung mga parents nila. 

After ng picture taking namin, nagpaalam na din ako agad sa kanila. May onting handaan kasi sa bahay eh. Madaming in-invite sina mama at papa. Hindi ko naman lahat kakilala pero sige okay na din. Exited din ako umuwi kasi bukod sa maraming pagkain at gifts, pupunta din kasi si Nathan eh. 

Pagkadating namin sa bahay madami nang tao. Akala ko nga ubos na yung handa namin eh kasi kahit san ako tumingin may lumalamon . Tapos bigla akong napatingin  dun sa garden ng bahay namin. Napangiti ako. Pinagmasdan ko yung mga mapupungay na mata ni Nathan. Grabe parang laging nangugusap yung mga mata nya. Tapos yung labi nya sobrang pula! Tinalo pako kahit na may lipstick ako ngayon. Gustong gusto ko syang lapitan kaso wala akong lakas ng loob. Hanggang tingin lang naman ako lagi eh.  

Pinagmamasdan ko padin sya. Hindi ko alam kung eto na yung huling beses na makikita ko sya. Diba sabi ko kanina may isang rason pa kung bakit umuwi si Mama? Oo tama yung naiisip mo, lilipad na kasi kaming papuntang Canada sa makalawa. Masaya ako kasi alam ko makakapagsimula ako ulit dun. Gusto ko kasing makalimutan na yung naging buhay ko sa Pinas. Gusto ko makalimutan lahat ng nangyare nung highschool. Gusto ko maayos yung buhay ko at magkaron ng confidence sa sarili ko. Kahit hindi ko sya makikita ng "who knows haggang kelan" , ayos lang naman kahit papano. Kasi alam ko na hindi naman ako papansinin ni Nathan kahit anong gawin ko. Hindi naman ako maganda at sexy katulad ng mga babaeng nakapaligid sa kanya. Gagawin ko na lang muna syang inspirasyon para pagbutihin lalo yung pagaaral ko at maging successful din someday. Babalik ako tapos sisiguraduhin ko na magkikita kami uli. 



To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: May 20, 2017 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

InspirasyonOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz