Prologue:

54 3 0
                                    

Paano kung ang isang decente at amazonang babae ay pinadala sa bahay ng anim na hinayupak at sobrang maangas na magkakapatid na lalaki upang maging asawa ng isa sa kanila?

Enter Jurika Hiroshima; anak ng may ari ng isang big time na network and technology company at ng isang doktorang may pinakasikat na hospital internationally and with over 60 branches worldwide.

Laban sa anim na dakilang PUNKS na kilalang kilala kahit saan mang sulok ng mundo; ang Sakamaki Brothers.

Si Shin Sakamaki; ang panganay. Siya yung pinakatamad sa lahat, lagi mo siyang makikita na nakahandusay sa sofa nila o di kaya sa music room ng school o bahay man. Usap-usapan nga sa school na si Shin ang may-ari ng third music room; at pinili pa niya yung pinaka-elegante ha! Makikita mo siya dyan na minsan natutulog, minsan nagpe-play ng instruments o di kaya'y nagpapalipas oras hanggang sa matapos yung naboboredan niyang mga klase.

Plus pogi points niya sa mga girls sa school ay ang pagiging cold niya. Minsan lang siya nagsasalita at yung mas masaklap ay napakaharsh yung mga sinasabi niya.

Next is Riko Sakamaki; yung pangalawa. Siya naman yung tipong gentleman sa punto ng pagiging butler. Siya yung pinakapolite at pinakaformal sa kanilang magkakapatid. Sad part is hindi niya alam yung meaning ng word na "fun". Wala siyang oras para dun kasi busy siya in keeping his brothers in place.

Sunod is Mr. Bad Boy himself, Aiko Sakamaki; third son. Siya yung pinakasuplado sa lahat. Troublemaker at very very cold, NGSB nga lang. Habulin siya ng lahat ng babae sa school kahit yung may mga BF. Dedma nga lang sila.

Saklap ba kamo sa side ng mga girls? As if noh! Kilig na kilig nga yung mga bruha eh! Wala ni isang babae ang nagpatibok sa puso ng hinayupak na gwapong iyon. Yun nga lang ang akala ng iba....

And then you have Kino Sakamaki; fourth son. Ang nerd/loner sa lahat at the same time, yung pinakamabait at pinakamatinong kausap. Tsempohin mo nalang na lapitan siya na walang hawak na libro dahil kung iistorbohin niyo siya na may dalang libro, ay wag na kayong tumangkang lumapit pa dahil walang makakapaghiwalay sa kanya at ng beloved book niya.

Siya ang nilalapitan ng mga kapatid niya tuwing may assignments, projects, o school work na kailangan, sa kanya ang takbo nila. Ni minsan hindi man lang siya nakapagrelax dahil sa dami ng school work.

Akalain mo siya na yung SC at class president, editor-in-chief ng school paper, president ng glee, arts, science at math club, at leader pa ng Zanshin High marching band. O 'di ba? Multi-tasking si Mr. Masipag! Plus pogi points niya rin yun kumbaga.

Coming up is the Royal Player, Loki Sakamaki; fifth son. Siya ang dakilang pervert/player, yung tipong 15 girls or more per week? Wala naman kasing tumatagal eh, yung pinakamahaba is three hours lang. Minsan nga dinodoble pa eh.

Yung pinagmamalaki niya talaga is yung naka ten girls in one day siya, achievement daw yun eh. May pagka-isip bata din 'to paminsan-minsan......... ay mali..... palagi pala. Pinaka-una at pinaka-importanteng factor na tinitignan niya sa girls ay ang laki ng dibdib nila. Dakilang pervert nga 'di ba? Halos lahat ng girls sa school itapon na ang sarili sa kanya eh.

And last but certainly not the least, is Sugi Sakamaki; the youngest. Siya yung tipong seryoso, man of few words, silent type, at poker face. Yung twist? Warfreak siya! Mahilig maghanap at mangumpisa ng away! Mapang-asar ngunit sobrang daling mapikon! Hindi matinong kausap at nakakapierce sa dibdib kung makatingin. Pero kung gaano man siya ka basagulero, ganoon din siya ka-caring at sobrang mapagmahal. Ngunit tinatago niya ito at ipaparamdam lang sa "one and only girl" niya.


***

By moonshine_sparkle97

No plagiarizing allowed

Enjoy.... *o*

6 Punks and a LadyWhere stories live. Discover now