Chapter 3: *Drama ni bhezt na matakaw

287 3 2
                                    

Shyne's POV

“Hello, Rommel, bigyan mo nga ako ng tatlong order ng favorite kong food dyan sa resto. Samahan mo na ng dessert at larged iced tea. Andito ako sa bahay ni Shyne. Sya rin ang magbabayad nyan.”

Ang takaw talaga, hindi naman nataba.

“Ok”, sagot ni Rommel, kababata namin. Wag ka magtaka, nakaloud speak kaya nakinig ko yung sagot. Professional chef na siya ng sarili nyang restaurant. Gayundin sana si Jayjay pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin-nagpakamaster sa engineering, pero di naman engineer ngayon. Ano nga bang trabaho ng taong 'to? Napakalihim eh.

(A/N: Rommel, this part is for you, sana maging chef ka na talaga)

*sa sala, dumating na si Rommel with ordered foods.

“Wala bang discount? Ang dami ng inorder nitong si bhezt eh?”

“Shyrina, wag ka nang magreklamo. Mayaman ka naman kaya bayaran mo na lang.” Kapal talaga ng bestfriend ko. Hmmm.

“Oo nga naman, Shyne. Baka mamaya sumama pa ang loob ni Jayjay sayo, hindi pa yan matunawan” Eto naman si Rommel, sumabad pa.

“Eh, si Jay Ar naman ang pinagkakagastusan ko, ‘noh! Sya ang aking Prince Charming. Ikaw…isa ka lang hamak na alipin, slave, utusan at pangit.”

Haha. Ang bad ko talaga. Si Rommel naman kung makatawa, wagas. Eh, kung dinadala na nya sa garden yung mga inorder ng bestfriend kong matakaw.

“Ah!ganun pala ha? Sige, ayaw mo na yatang magkaroon ng information about kay Kuya-“

“Siyempre, joke lang iyon.” Nginitian ko ulit sya, un bang matamis na ngiti pero fake, wah best actress na ko, ako na talaga, hahahaha. “ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Baka kulang pa ung inorder mo. Dagdagan mo pa kung gusto mo”.

“Hindi na. Mamaya na lang”. At talaga namang oorder pa nga. Ngumiti pa talaga. Lumitaw tuloy yung mga dimples nya sa magkabilang pisngi. Gwapo din pala tong si bhezt eh kaya pala kinababaliwan rin sya ng mga babae. What did I just say? Ah, erase, erase.

"Mabait ka talaga, Shyne. Ipagpatuloy mo lang ha. Pero yung pagtitig mo sakin, iwas iwasan mo, baka mainlove ka. Hehehe”

"Ung inorder niyo, ready na...nasa garden table” Buti na lang dumating na si Rommel galing sa garden, nailang ako bigla sa sinabi ni bhezt at sa pagtitig ko sa kanya. Di ko naman sinasadya yun eh.

“Thanks ha, eto na ung bayad, oh…bakit naman di mo nilagyan ng lason ung inorder nya?” Haha, natawa naman si Rommel sa sinabi ko.

"Bakit di ka kaya muna magstay, kwentuhan muna tayo." Inaya ko si Rommel para naman hindi lang kami ni bhezt lagi ang magkasama.

“Ah, salamat na lang. Aalis na ako, marami pang tao sa resto” ang KJ talaga ni Rommel, hmmm. Mapuntahan na nga yung bestfriend kong matakaw. Aba, mukhang Ninoy ang dating ah, nakapangalumbaba si bhezt habang nakatingin sa labas ng garden, at take note, seryoso ang dating.

"Psst" Aba, hindi nalingon ah, mukhang seryoso nga ah.

“Mukhang malalim ang iniisip mo, ah. Hindi ba sumasakit ang utak mo? Hindi ka pa naman sanay ng nag-iisip”. Hindi pa rin sya gumagalaw, statue na si bhezt.

“Nalimutan ko, wala ka nga palang utak, paano sasakit yon, ang tanga ko naman”.

Hay salamat lumingon na rin. “Buti alam mong tanga ka. Huwag ka ngang magulo. Sinusubukan ko lang kung may lalapit sa aking chikababes dahil ang sabi ng mga kasama ko, maganda raw ang angle ko kapag nakaganito”. tapos nag-ala-Ninoy ulit sya. Gets niu ung pwesto nya, yung nasa 500 peso bill, hehehe.

Haha, ano daw? Pagmasdan ko nga. Let me see kung totoo nga. Pero hindi ko mapigilang tumawa eh...

“Hahahaha, (as in malakas na tawa yan ha) adik ka talaga, Jayjay! Hay, naku! Mabuti na lang at marami kang inorder na pagkain. Tama lang iyon, mukhang ginugutom ka na kasi”.

"May lumapit nga sa akin, hindi naman babae.Sinungaling talaga ang mga kasamahan kong iyon.Isusumpa ko ang kaluluwa nila”.

Naputol yung tawa ko sa sinabi nya.

“Babae ako ah, gusto mo ng proof?”

“Huwag! Masisira ang pantasya ko sa mga babae. Siguradong matra-trauma ako kapag nakita ko iyan. Maawa ka sa akin! Gusto ko pang mag-asawa!”

Ang OA nya ha. Pumikit na nga sya, tinakpan pa nya yung mukha nya. Hmmp. Lagot sa kin yang tenga mo.

“Aray! Ikaw talaga, Pangit, palibhasa alam mong di ako pumapatol sa babae. Inaabuso mo naman.”

“Ikaw, Jayjay, kung hindi ka lang naging kapatid ng mahal kong si Jay Ar, ipinasalvage na kita.” Nakakainis talaga sya. Sabi nya di daw ako babae, tapos ngayon, babae na ulit ako. Haha. Gulo eh, nasakit ulo ko sa kanya.

“Huwag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang nagwiwish na sana ay hindi kami naging magkapatid ni Kuya.” Aba, seryoso ba yun, nagdrama na naman bestfriend ko ah.

Tutuksuhin ko sana ulit sya pero parang nabago ung tono ng pananalita nya ah...Nakakailang namang biruin sya. Hindi ako sanay sa drama nya ngayon ah. Makulit at suplado itong taong ito eh. It was a strange combination of characters pero ganoon naman talaga siya.

Matagal na kaming magkaibigan kasi nga batchmates kami. Tapos lalo pa kami naging close kasi kapatid nya si Jay Ar. Sa kanya ako kumukuha ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kuya nya. Pero kahit close kami, as in super close, marami pa rin syang secrets na hindi ko alam, kaya nga secrets eh. Like what he's acting now.

Aware naman ako sa kakulitan at kakapalan ng face nya, pero pag ganitong nananahimik sya, parang gusto ko syang aluin. Syempre, sya ang source of information ko, mahirap galitin to eh. Hehehe.

“Hoy, ano’ng problema mo? Huwag ka ngang ganyan. Naprapraning ako sa iyo, eh.”

Lumingon lang sya sakin tapos he stuck out his tongue. At hindi na ako nagpakitang naasar ako kasi hindi naman talaga nakakaasar. He look even cuter. Dahil kung makalaglag-panga ang kagwapuhan ng kuya nya, pamatay naman ang ka-cute-an ni Jayjay. At kapag ginamit na nya yung mga deadly charm nya, no woman could ever resist him. Kahit ako, uy, secret lang natin yun ha, baka lalo lumaki ulo nito eh, o kaya humangin na parang bagyo. Matagal ko na syang kasama, dapat nga sanay na ko sa karisma nya, pero hindi eh, I always find myself stunned in his charm. Napapatanga pa rin ako sa kanya pag nagpapa-cute na sya. Secret lang yan, hmmm, baka magselos yung Jay Ar ko eh. Hehehe.

(a/n: hi poh, open nga po pala cu sa comments and votes, naienjoy niu po ba? Ah, SANA naman po, hehehe... sige po, kita kita tayo sa next update)

Maybe We're DestinedWhere stories live. Discover now