#whenitrains01

13 1 0
                                    

The weather is nasty. It's raining.
Street lights are soak with rain.
There's a shadow that moves fast behind the shades of trees.
A scream break the silence in town. The city began to get crowded. The reason for the scream is, there's a cold body lying beside the pedestrian lane. The man was found dead. They have now idea who the culprit is , but they have a hunch that this accident has a connection on a lone killer who do his work when the first tear of the rain drops.

There was this lady who lives in one of those cheap apartment. Her name was Kirsten. She is 21 years of age. She has no friends. 10 years ago, she lost her parents and her brother. That tragedy seem to be a nightmare for her. She didn't know how she live her life during those years with a wounded heart. She want justice, but she didn't know how and where to start.

"Sa ulo ng mga nagbabagang balita, isang bangkay ang natagpuan , alas Diyes impunto sa 22nd District ng ating municipalidad. Ang lalaki ay nasa edad 30 hangang 42. Sinasabing maaaring droga ang dahilan ng pagkakapatay dito. Natagpuan ng mga pulisya ang isang karayom na nakatusok sa bandang leeg ng biktima, ito ang tinitingnang dahilan ng pagkakabulagta nito mula sa kinatatayuan. Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang naturang krimen, at nagsisimula na silang tugisin kung sinoman ang gumawa ng karumaldumal na pangyay-"
*bugsh bugsh

Kinatok ni Kirsten ang katabing apartment.
"Pwede bang pakihinaan naman ang volume ng telebisyon niyo kuya, nakakaistorbo kayo ng tulog ng tao !!" irita niyang sambit.
Maya maya lang ay narinig niyang medyo hininaan na ng kapitabahay niya ang TV nito.

Hihiga na sana siya ng mapansing malamig sa kanyang kwarto. Napadako ang tingin niya sa bintanang bukas malapit sa kanya.

" Tsk, nakalimutan ko palang isara." napailing na lang siya at ng isasara na niya ang kahoy na pansarado sa kanyang bintana ay naanggihan siya konti ng tubig ulan. Matiim niyang tinitigan ang patak ng ulan na nasa braso niya. Bago pa man may maalala ay tuluyan na niyang isinarado ang bintana at naglakad pabalik sa kanyang higaan.

*bzzt bzzzt
Nag bavibrate ang kanyang telepono kaya namn kinuha niya ito mula sa kanyang tabi. Isang text message ang kanyang natanggap.

"Mahusay! Dineposit ko sa bangko ang natirang kalahati pa ng napag usapan natin, hanggang sa muling pagpatak ng ulan"

Pagkabasa ng text ay kaagad din niyang binitawan ang telepono at tuluyan ng humiga.

Hindi niya alam ngunit napakahirap para sa kanyang manguha ng tulog sa gabi. Makatulog man siya ay pawisan siyang magigising sapagkat napapanaginipan niya kung paano pinaslang ang kanyang pamilya. At kung paano tumawa ng malademonyo ang mga lalaking nakamaskarang walang sawang nagpapaputok ng baril sa lugar na pagdadausan sana ng kanilang kauna unahang pagtugtog sa harap ng mga camera.

Pumikit siya dahil sa pagod. Unti unting nagbabalik ang mga mapapait na ala ala ng nakaraan.

10 years ago...

on the Garden Circle. ( an open space for co.certs and staff with big stadium sorrounded with garden )

" Ma bibili ako ng ice cream, antagal namang mag start ng tugtog nila ate K" sabi ng batang si Cedric.
" Pasama ka sa ate Kirsten mo Ced" ngiting sabi ng kanyang ina.
" Yes mum " kiniss pa nito ang mommy at daddy bago pumunta sa ate nito.

" Ate K! Sama mo kong bumili ng ice cream, " Yaya kay Kirsten ng nakababatang kapatid.

Hindi pa naman nagsisimula ang kanilang program kaya naman nagpahila na siya sa kapatid.

Iniabot na niya ang bayad sa nagtitinda ng Ice cream. Umuulan noon kaya naman nasa Gymnasium sila ng Garden Circle.

Nagulat siya ng may bigla na lang siyang marinig na putok ng baril. Nanggagaling mismo ito sa gitna ng Gymnasium.

When the Rain FallsWhere stories live. Discover now