7. Exploriat

26K 1K 374
                                    

Evagne's Point of View

ILANG araw na ang lumipas matapos ng petmalu na labanan---ay hindi pala. Hindi iyon matatawag na labanan dahil hindi man lang naka-atake ang kawawang si Merilla. Ay, sandali, bakit naman ako maaawa sa halimaw na hinayupak na bully na iyon? She deserved it! Naks, nakapag-english din sa wakas. E, kasi, e. Dapat lang talaga sa kaniya iyon, at nang maranasan naman niya ang nararanasan namin sa tuwing binu-bully nila kami. Bakit ko ba siya iniisip? Bahala na nga siya. Magahahan na akong pumasok.

Ngayong araw ay excited ang tiyo niyo na pumasok, hindi dahil sa makikita ko ang crush ko, ha, dahil wala naman akong crush. Mataas ang standards ko, 'no! Excited ako kasi araw ng Biyernes ngayon, meaning lalabas kami ng academy dahil sa subject naming Exploriat. Pupunta kami sa ibang lugar kasama ang iba pang estudyante. Ito ang pinaka-masayang subject sa lahat. Libre gala at field trip.

Nang makarating ako sa room ay nandoon na ang lahat. Kaagad na sumalubong sa akin ang kalog na si Sapphire at nag-apir kaming dalawa. Habang sina Alleyn at Cristof naman ay binati ako ng magandang umaga tapos balik ulit sa pagbabasa ng notes. Habang si fifth honor naman, ayon, as usual, parang may dalaw. Katakot kalabitin baka ma-fatal three-second ala-Merilla attack ako nang wala sa oras.

Heto pa pala, matapos din ng laban na iyon, nakilala ang section namin. Grabe, famous na us! Hindi ko naman sinabing famewhore ako, ha, pero parang ganoon na nga, haha! At heto pa, ang sarap sa feeling na mahalikan sa paa ng mga hampaslupang taga-Ruby-S. Mabuti na lang at hindi ako naglinis ng paa!

Magmula rin ng araw na iyon ay nag-iba ang pakikitungo ng iilang estudyante sa amin---ay hindi pala talaga nag-iiba. Bumabait lang sila kapag kasama namin si Fifth Honor. Grabe, ang saya palang may tagapag-tanggol, 'no? Siya na ang hero ko. Naks naman.

Biglang may lumitaw na hologram sa harapan namin at lumabas ang mukha ni Mary. "Good day, students! Pumunta na kayo sa field ngayon din. Nandoon na ang mga karwaheng sasakyan ninyo."

"Guys, tara na raw!" aya ko sa kanila. "Bilisan natin. Excited na ako!"

"Ako rin!" suporta sa akin ni Sapphire. "Tara na, guys!"

"Huwag kayong masyadong ma-excite. Tandaan ninyo, hindi n'yo binasa ang ibinigay na fact sheets ng instructor natin," saway sa amin ni Tandang Alleyn. "Heto, basahin n'yo 'yan habang bumabiyahe tayo." Iniabot niya sa akin ang fact sheets na hawak niya.

Napanguso ako bago ito tinanggap. "Naman, e. KJ."

"Have mine, too, Sapphire." Iniabot naman ni Cristof ang fact sheets niya kay Sapphire.

At kagaya ko ay ngumuso rin siya bago ito tinanggap. "Pakshet na fact sheets naman, o!" reklamo nito bago naunang lumabas.

"Oo nga!" segunda ko at sumunod na rin.

✂---

SAKAY kami ngayon ng isang karwaheng hila-hila ng argoe. Pupunta kami sa Naian Lake, ang lawa kung saan malimit na makita ang mga magagandang nilalang na kalahating tao at kalahating isda. Hindi kagaya ni Merilla na kalahating-mage kalahating hinayupak.

"Ayoko na! Suko na ako!" reklamo ni Sapphire bago ibinalik kay Cristof ang fact sheets niya. "Hindi kaya ng brain ko 'yan. Mababa lang ang storage capacity nito!"

"Ako rin. Ayoko na," reklamo ko.

"Ano ba kayo? Hindi n'yo ba alam na kailangan nating i-memorize ito dahil nandito ang mga bagay na kailangan nating makuha mamaya pagdating natin sa Naian Lake?" At nagsimula na po si Tandang Alleyn sa pangangaral sa amin. "Guys, bago man lang tayo gr-um-aduate, sana man lang ay maka-move tayo kahit na sa Silver-C Section lang."

Light of Darkness Where stories live. Discover now