*WARBLER'S ACADEMY*

12 1 0
                                    


(playing: Ring the Alarm - Beyoncé)

(Pak ! ang ganda ng alarm tone ko. Nakakabuhay ng dugo. hahahaha pakinggan nyo din)

"Sa wakas ! Nauna din akong magising bago ka tumunog! "

Kinuha ko kaagad yung phone ko at in-off ang napaka ganda kong alarm tone. Niligpit ko na ang binabasa kong libro at nagsimula nang kumilos.

"Yes ! I feel so alive !!! buti nalang talaga natulog ako buong maghapon kahapon. Excited nakoooo .. "

I woke up as early as I can to prepare my stuff na kailangan ko for my first day in my new school. Yes, I'm a transferee from Manila. After a long vacation here in Bulacan, napagdesisyunan na nila mama at papa na dito na ko mag fourth year at wag na munang bumalik sa Manila. Bagay na gustong gusto ko, bukod sa mawawala ako ng matagal sa congested at polluted na Maynila, magkakaroon ako ng panibagong adventures dito. Gee !

4:00am ko si-net yung alarm ko kaya makakapag prepare ako ng maayos dahil 8am pa naman start ng class.

Since prepared na lahat ng gamit ko, sarili ko nalang iintindihin ko dahil sanay naman akong magasikaso ng sarili ko.Nagluto ako ng paborito kong adobo para makakain ako bago umalis at para na din may pagkain sila mama at papa pag gising nila.
Hindi ko na din sila ginising pag alis ko.

Ngayon ay tatahakin ko na ang bago kong magiging school, ang Warbler's Academy.

Actually, hindi naman dapat ako dito magtatransfer kasi nga Private School 'to at nagaalala ako na baka di ako masustentuhan ng mga magulang ko, ang paliwanag ko sa kanila na OK na'ko kahit sa Public school lang kasi sanay naman ako. Di naman ako mapili as long as matututo ako at maka graduate ako pero ang paliwanag nila sakin ay maganda ang patakaran ng school na ito, madami raw ang nagtapos dito na maganda na ang katayuan sa buhay at hindi lang yun, kilala rin ang eskwelahang ito maging sa kamaynilaan sa pagiging dedikado nito na matuto at maging propesyunal ang bawat estudyanteng gagraduate dito. So yun, tatanggi pa ba ko ? hahahaha

Hindi ko maiwasang mapangiti habang gumagayak. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Excited dahil bago lahat para sa akin sa bago kong papasukang school, Kabado kasi panibagong adjustments nanaman at panibagong pakikisalamuha, hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din kung magkakaroon ako ng mga kaibigan dito gaya ng mga kaibigan ko sa dati kong pinapasukan.

"Speaking of kaibigan..hmmm."

Habang nakasakay ako sa tricycle papunta sa di kalayuang school namin, agad kong kinuha yung phone ko at tinawagan si Tina, bestfriend ko sa Manila na kasalukuyan ding abala sa unang araw ng pasukan nila.

(kringgg.. kringgg..)

Agad sumagot si Tina sa unang subok ko ng pagtawag sa kanya na tila nagaabang na talaga sa pag tawag ko.

"Hello Ti..




"Keithhhhhhhhh !!! ang daya mo talaga, talaga bang dyan ka na magaaral ? akala ko ba walang iwanan? nakakainis ka talaga"

Secretly InloveWhere stories live. Discover now