Queen

1.2K 67 21
                                    

Queen.
©Baechuism.
➖Seurrene💯

Tatagal ka ba kung ikaw mismo ang mapagtrip-an ng Reyna sa school nyo?

——--

“Pinansin nya ako! Gosh!” Nagpapaypay sa sarili na sabi ni Seulgi sa kaibigan nyang si Joy.

“Oh, okay.” Walang kwentang sabi naman ni Joy na halatang hindi interesado sa sinasabi ng kaibigan. Alam na alam naman nya na patay na patay si Seulgi sa Queen ng school nila.

Sinamaan sya ng tingin ni Seulgi. “Bakit ba hindi ka nalang maging masaya para sa akin?” Tanong ni Seulgi sa kanya. Bumuntong hininga pa ito dahil sa inasal ni Joy.

“Masaya naman ako…” Joy whispered. “Pero hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ‘ko. Si Irene? Pinansin ka? Imposible ata iyon, depende nalang kung ikaw na ang next na pagtitripan nya.” Sabi ni Joy sa kanyang kaibigan.

Kilalang kilala nya si Bae Irene. Halos lahat na ata nabully nito. Well, pwera nalang sa lumalaban talaga katulad nya. Eh si Seulgi? Alam nyang hindi malalabanan ni Seulgi si Irene. Dahil unang una, masyadong mabait si Seulgi. Pangalawa, mahal nya si Irene.

Napapout si Seulgi. “Wala akong pake kung ano man ang pagawa nya sa akin, basta mapansin nya ako, ayos lang.” Napailing nalang si Joy sa sinabi ni Seulgi.

Wala na. Malakas ma ang tama. Tinamaan na ng sobra sa salbaeng 'yun. Isip ni Joy.

Napatigil sila ng makita nilang padaan na si Irene at ang kanyang kaibigan na si Yeri. Hindi nga alam nung iba kung paano nagkasundo ang dalawa. Well, sabihin na natin na bully si Irene, lahat nalang pinapansin. Utusera pa porket sya ang tinuturing na Reyna ng school na to. Habang si Yerim naman ay tahimik lang. Walang pakeelam sa mundo at madalas ay nakapoker face lang.

“Hoy,” Nagulat sila ng huminto si Irene sa harap nila at tinawag si Seulgi. Nakapamewang pa ito. Mukha talaga syang sassy na bully sa mga palabas. Yung mga kikay na madalas mangapi. Ganun ang itsura ni Irene. “Kuha mo nga ako ng inumin. Nauuhaw ako.” Sabi ni Irene. Masama ang tingin nito kay Seulgi.

Medyo napataas ang kilay ni Joy ngunit hindi nalang ito nagreact. Alam nya kasi na mapapalaki pa ang gulo. Knowing Irene, masyado itong maarte. Napakautusera pa. Ayaw nya munang magreact dahil baka mas lalong mapalaki ang gulo.

Agad na tumayo si Seulgi para pumunta sa canteen at sundin ang utos ng Reyna. Napailing nalang si Joy dahil hindi na nya napigilan pa ang kaibigan. Brat. Sa isip isip nya.

——

“What— the hell?!” Inis na sabi ni Irene habang nakatingin kay Seulgi na walang tigil sa pag-bow sa kanya.

“I-im sorry!” Natatarantang sabi ni Seulgi na hindi alam ang gagawin.

Sabihin nalang natin na nasa canteen sila ngayon at natapunan ni Seulgi ng mainit na sopas ang mamahaling sapatos ni Irene. Pinagtitinginan na nga sila ng mga tao. Madami na ding nagbubulung bulungan.

“Go! Clean it now.” Parang totoong reyna na utos ni Irene kay Seulgi habang nakatayo ito. Tinuturo pa nito ang sapatos nya na natapunan ni Seulgi.

Agad namang lumuhod si Seulgi sa harapan ni Irene at dali daling pinunasan ang sapatos ni Irene. Tinitiis ang sakit na nararamdaman nya. Ganun nya kamahal si Irene. Handa syang gawin ang lahat para dito. Kahit na nasasaktan sya.

“Hey.” Napatingin si Irene sa nagsalita. Walang iba kundi si Joy. Masama ang tingin nito sa kanya.

“Bakit hindi ikaw ang maglinis ng sarili mong sapatos? As I see, may kamay ka naman diba? Hindi yung inuutusan mo si Seulgi. Nakita mo ba? Ikaw, sapatos mo lang ang natapunan. Eh si Seulgi? Tumapon yun sa buong katawan nya. At eto sya, iniinda ang sakit para lang linisin ang sapatos mo na kaya mo namang gawin magisa mo.” Sabi naman ni Joy. Madiin ang bawat salita nito. At nagbabaga na din ang tingin nito kay Irene. Naiinis sya sa katotohanang masyadong nabulag si Seulgi sa pagmamahal kay Irene kaya kahit mali na, sinusunod pa din nya si Irene. Sya ang nasasaktan para kay Seulgi. Ginagawa kasi ni Seulgi ang lahat para kay Irene pero alam naman ni Joy na ginagamit lang ni Irene si Seulgi. Pag nagsawa na ito sa pambubully kay Seulgi, aalis na ito na parang walang nangyari. At syempre, masasaktan ang kaibigan nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Queen | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon