KAILAN

58 4 0
                                    

VALENTINE's POV

It's been weeks since that incident sa condo ni Gio. I left everything behind pagkatapos nun. Figuratively at literal. I resigned sa Mc Donald's at umuwi ako ng Sta. Maria for the whole summer break without any social medias at celfon. Ikinulong ko ang mundo ko sa circle namin nila mom and dad and it's so refreshing. Sobrang namiss ko sila. Yung pagmamahal nila sa akin killed all the pain that I felt all those years of loving Gio and hatred that I felt for dad. Nakalimutan ko na ata lahat ng sakit. And I am really confident that I don't love Gio anymore. Matagal na pala. And I decided to talk to him today.

" Valentine.." a baritone voice wakes me from thinking. Napalingon ako kay Gio at nagulat sa itsura niya. Pumayat at nagangalumata siya. Halata ding napabayaan ang balbas at bigote nito. Maging ang kulot niyang buhok ay mejo mahaba na rin but it doesn't affect kung gaano siya kaguapo. Guapo talaga si Gio with a clean cut or a bad boy looking one.

"Gio.." I felt the urge to embrace him and I did. Knowing him alam kong mabigat ang pinagdadaan niya. Buti na lan at nandito kami sa Botanical garden ng school kaya walang tao kaya hindi ako magaalala na baka makita kami ni Carrie.

" I miss you Tine.."

Tinne. Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi ako nasaktan ng tawagin niya ako sa pangalan ko imbes na babe na siyang tawagan naming dalawa.

" I miss you too Gio.."

Marahan akong kumalas sa mga yakap niya at nagulat ako ng makita ang tigmak niyang mga luha.

" I'm sorry.."

" For what?"

" I'm sorry sa nakita mo sa condo the last time na nagpunta ka"

"You don't need to apologize Gio. You're with your girlfriend. So you don't need to apologize. I guess what you did was normal sa mga taong nagmamahalan"

"Pero ma..mahal kita babe.."

Napangiti ako ng mapait kay Gio.

"Mahal or minahal Gio?"

Diretsahan kong tanong habang tinitignan ang reaksyon niya. Nakita ko ang pagdaan ng iba't ibang emosyon sa mga mata niya. Pagkagulat, pagtataka at pagaalala.

"Alam mo Gio, ang tagal kitang minahal. Sa'yo umikot ang mundo ko sa loob ng tatlong taon. Ikaw lang kasi yung taong nakakaintindi at nagmamahal sa akin. You made me feel special. Ikaw lang ang nakapagpakilig sa akin ng sagad to the bones. Ikaw yung taong kasama ko nung galit ako sa mundo and you never left me. When you broke up with Charlotte, mejo umasa ako na pwede na tayo. But I gave you space kasi alam kong nasaktan ka sa paghihiwalay nyo. I just gave you a f**cking space but weeks after, you shattered my world announcing you already had a relationship wih Carrie. Now tell me how can you tell me you love me?"

"Pero ma..mahal kita!"

"Stuterring Gio?" Napailing ako

" Don't you realize na everytime na sinasabi mong mahal mo ako nagstutter ka?" Isang idea ang pumasok sa isip ko

"Kiss me Gio!"

I watch Gio's reaction at kitang kita ang pagkagulat sa mga mata niya. He looked at my eyes as if confirming if totoo ang sinabi ko.

"If you love me, Kiss me Gio!"

Dahan dahan siyang lumapit sa akin. He hold my face with his both hands. Tumingin siya sa mga labi ko. Hindi ako pumipikit at tinitignan ko lang ang gagawin niya. Dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa mukha ko. Pero hindi bumaba ang labi niya sa mga labi ko. Napangiti ako ng tuluyan. Kitang kita ko naman ang pagkalito sa mga mukha niya. Ako ang naglapat ng labi ko sa labi niya. It was a chaste kiss.

"You don't love me anymore.." nakangiti kong sabi sa kaniya at marahan siyang inilayo sa katawan ko.

"Pero..."

"You don't love me anymore at ganun din ako. Matagal na pala Gio. Hindi mo ako mahal kasi kung mahal mo ako hindi mo ako hahayaang masaktan. We're just inlove with the idea that we love each other. Nanghihinayang tayo sa mga panahon na dapat tayo. Nanghihinayang tayo sa idea na bagay na bagay tayo. We share a lot of common interest. Mahal ako ng pamilya mo gayundin ang pamilya ko sayo. Sobrang komportable tayo sa isa't isa at masaya tayo pag makasama tayo. But the real thing is hindi tayo ang kumukumpleto sa isa't isa. Nabuhay ako ng ilang taon na hindi ka kasama pero I survived. Sa mga panahong iyon kasama mo si Carrie pero hindi mo ako hinahanap hanap right? Aminin mo man o hindi wala kang naramdaman ng halikan kita. Ni hindi bumibilis ang tibok ng puso mo pag nakikita mo ako. Ni wala kang kuryenteng nararamdaman pag niyayakap mo ako. It's just comforting isn't? Ni hindi ka nga tinatayuan pag hinahalikan mo ako!"

"Tinne ano ka ba? San mo natututunan yan?!" Namumula at mejo pagalit na sita niya sa akin.

"It's true! Kasabay ng sobrang pagmamahal mo sa tao ay ang desire na maiparamdam mo sa kanya ito sa lahat ng paraan. Mula sa pagtitig mo sa kanya hanggang sa paghaplos at pagyakap mo till you want to make love with her, right? That's what you felt with Carrie right? And you never felt that to me. Ni hindi ka nagtangka na lumampas man lang sa pagyakap at paghalik sa akin. You love her more than you had loved me."

Tahimik na nakayuko si Gio at hindi sumasagot.

" Gio, pumikit ka.." Gio close his eyes and I saw kung gaano siya nasasaktan ngayon.

"Isipin mo na ikakasal ka today. Sinong nakikita mo? Sinong nakikita mong makakatabi mo sa bawat paggising mo? Kaninong kamay ang hawak mo hanggang sa pagtanda mo?" Nakita ko ang pag alpas ng sunod sunod na luha sa mga mata ni Gio. Marahan niyang iminulat ang nga mata at niyakap ako. Now he knows...

"Napakasama kong tao Tine. Nasaktan kita ng husto. Nasaktan ko si Carrie. I'm so sorry. I'm so sorry!" Patuloy siyang umiyak habang yakap yakap ako. Pinakawalan ko na din ang nga luhang kanina ko pa pinipigilan.

" Napatawad na kita Gio. At least alam mo ng nagkamali ka. Things are not yet late for you and Carrie. You have to talk to her. Nandito siya kanina at nakita niya ang lahat. Now go. " I let go of his hands.

" Can I kiss you for the last time Tine?"

Hindi ko na pinatapos ang patatanong niya, lumapit ako at hinayaang lumalim ang halik ni Gio sa akin. Pero wala talaga. Wala talaga akong nararamdaman. Unlike Altair's sweet kiss that flew me to the moon and back. Gio hugged me ng napakahigpit pagkatapos.

" I know this is too much Tine but can we still be friends?"

"In time Gio.. In time.."

Pinagmasdan ko at paglalakad palayo ni Gio. Parang natanggal ang tinik sa puso ko at napakagaan ng pakiramdam ko.

" I loved you babe! Salamat sa lahat!" bulong ko sa hangin....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Love of My Life (ONGOING)Where stories live. Discover now