Prologue

1.1K 11 4
                                    

"Ta*ga ka ba ? Nakita mong dadaan ako eh !" Sigaw ko sa babaeng nakabangga ko at natapunan pa ako ng mainit na chocolate. "Ikaw nga nung hindi tumitingin sa dinadaanan mo eh !" Sigaw niya din sakin. "Tsk ! Pasalamat ka hindi ako pumapatol sa babae." Sabi ko sabay walk out.

Ako lang naman ang nagiisang Jacob Fernandez. The son of the owner of this school. Isa akong pogi, matalino, at bad boy. Kilala ako dahil ako ang hari nang paninira ng buhay ng mga tao na kumakalaban sakin. Pero mabait naman ako.

Ako rin ang crush ng lahat ng babae dito sa school. Bad boy ako pero hindi ako Chick boy. Simula elementary hanggang yung 1st year high school na kami iisang babae lang ang tinibok ng puso ko. Si Eliza Mercado.

Kung ako ang hari ng pagka bad boy siya naman ang reyna ng pagka bad girl. Bata palang kami best friends na kami. Pero nung first year high school nagkaboyfriend siya. At ngayon tinagurian na siyang reyna ng kalandian. Every month kasi may iba na siyang boyfriend. Yun din dahilan kung bakit na turn off ako sakanya.

"Huy Jacob ! Kanina pa namin tinatawag wala tulala ka parin." Sigaw sakin ni Francis, isa sa best friends ko. "Ah bakit ba ?" Naiirita kong tanong. "Gusto kasi niya ikaw ayain na makipaginuman samin mamaya. Ang tagal mo na din hindi  umiinom Cob." Sabi naman ni Dailan.

"Pass" mataray kong sabi. Silang dalawa lang ang best friend at pinaka pinagkakatiwalaan ko. "Tsk ! Nagpapaka good boy na si Jacob, Dailan" natatawang sabi ni Francis. Binato ko agad siya ng twalya. "Ga*o hindi ! Wala lang talaga ako sa mood uminom." Sabi ko sabay balik sa upuan ko.

"Good morning class." Sabi ng teacher namin. "Good morning sir" sabay na sabay naming sabi. "Class we will have an activity. Its by partner at ang partner niyo ay ang katabi niyo." Napa tingin agad ako sa tabi ko. At nagulat ako kasi siya pala yung babae na nakabanga sakin kanina.

"May kukunin lang ako. Pagbalik ko dapat magkadikit na ang upuan niyo ng partner niyo." Sabi ni sir at umalis. Tumingin siya sakin habang walang emosyon ang muka niya. "Ilapit mo yung upuan mo." Seryoso niyang sabi sabay harap ulit sa harapan niya.

"Tsk ! Alam mo na anak ako ng mayari ng school diba ? Kung hindi siguro tan*a ka nga talaga." Nakasmirk kong sabi. Tinignan ko yung pinto kung nandun na ba si sir. Pagharap ko ulit sakanya nakatingin siya sakin ng masama. "Unang una hindi mo ako kilala para sabihan ako ng tanga. Pangalawa alam kong ikaw ang anak ng mayari. Pangatlo ang kapal ng muka mo na ako pa ang pausugin mo eh ikaw ang lalaki. At lastly magpakagentle man ka naman." Seryoso niyang sabi. Napanganga ako sa sinabi niya.

Hindi ko akalain na may gagawa sakin na ganun. Halos ng babae dito sa school may gusto sakin kaya hindi ko alam na may gagawa sakin ng ganun. Tumayo nalang ako tyaka nilapit sakanya ang upuan ko. Sakto naman na dumating si sir. "Okay class get one short bond paper each person. I will give you 10 minutes to make 5 questions for your partner about algebra. And after 10 minutes give it to your partner and I will give 20 minutes to answer. Okay time starts now." Sabi ni sir.

Bago ako magsulat tiningnan ko muna si... anung pangalan niya ? Tinaas ko yung kamay ko kasi may question ako. "Yes Mr. Fernandez ?" Tanong ni sir kaya tumayo ako. "Sir do we need to write our name and our partners' name ?"

"Yes you need to write your name and your partners' name." Seryosong sagot ni sir kaya umupo na ulit ako. Bago ako magstart kinalabit ko muna siya. "Bakit?" Tanong niya habang magsusulat. "Anung full name mo ?" Tanong ko. "Maria Francheska N. Santos. Call me Ria. Ikaw ?" Tumingin siya sakin. Napalunok ako kasi nakakatakot yung tingin niya. "Jacob James C. Fernandez. You can call me Jacob." masungit kong sabi tapos nagsulat na.

Matalino ako sa Algebra kaya basic lang sakin magisip ng question. After 10 minutes nagpalit na kami ng papers. Nagulat ako kasi napuno niya ang buong short bond paper. Binilang ko ang questions at lima nga. Napalunok nalang ako sa mga question. 5 minutes na ang nakakalipas at number 2 palang ako.
Pagtingin ko sakanya tapos na siya at nagrereview para sa quiz namin sa history mamaya.

The Girl I never noticed (Completed)Where stories live. Discover now