Kabanata 56

9.4K 338 260
                                    

Chapter 56: The Last Fight

Andrew's POV:

Shit! Wala akong makita! Baka biglang sumulpot yung Lucia na 'yon. Badtrip! Baka biglang magpakita 'yon tapos masira pa 'yung pogi kong mukha.


Wala akong magawa kundi umikot nang umikot habang nakataas 'yung kutsilyo ko para maniguradong safe kahit mahilo ang mala-perpekto kong ulo hehe.


"Aray!"


Napangiti naman ako nang may marinig akong umaray. "Lucia? Ikaw na ba 'yan? Paano ba 'yan! Ako ang nanalo."


Itinigil ko ang pag-ikot nang may maramdaman akong bumatok sa akin. Napahawak naman ako sa batok ko at pinagsisipa kung sino man ang bumatok sa akin. "Ako 'to si Devin! Nasugatan mo pa ako."


Napahawak naman ako sa bibig ko nang bigla niya akong lagyan ng night glasses. Para akong bulag na nakakita! Muli kong pinikit at binuksan ang guwapo kong mata at tumingin sa direksyon ni Devin.


"Pre, salamat. Hayaan mo ipagdadasal ko nalang 'yung kaluluwa mo. Nakakalungkot nung namatay ka. Kahit nagpakita ka ngayon, hindi ako matatak-"


Bigla nanaman niya akong binatukan kaya naman nagtaka ako. Hala? Nambabatok ba talaga ang mga multo?


"Bahala ka na diyan, Andrew. May gagawin pa ako," tugon ni Devin kaya naman tumango na lamang ako. Nasaan na ba kasi 'yung Lucia na 'yon?


Ilang segundo lang ang nakalipas nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko. Nanindig ang mga balahibo ko sa hindi ko malaman na dahilan. Unti-unti akong humarap nang maramdaman kong napakalapit niya.


"MULTOOOOOOO!!!!"


Tumakbo ako nang tumakbo habang hinahabol ako ng mukhang multo na babaeng 'yon! Ang laki ng mga mata niya tapos kung makangiti siya akala niya naman ang ganda!


Lord, help me! Bakit puro multo nagpapakita sa akin?


"Hoy! Huwag kang tumakbo, Guzman! Huwag kang duwag. Si Lucia 'to!"


Eh?

----

Althea's POV:

Hindi ko na kaya. Gusto ko na matapos lahat 'to. Naka-upo lang ako sa sahig at nakatulala. Wala na akong magawa kundi ang humikbi. Nakatingin lang ako kay Renzo na nakapikit at duguan na.


"Tingnan mo? Kung hindi dahil sa'yo, hindi 'yan matatamaan," natatawang sabi ni Mrs. Valera. Itinutok niya muli ang baril sa akin. Wala talaga siyang konsensya.


Agad na tumakbo si Alex sa tabi ni Renzo at humagulgol na rin siya. "Renzo! Gumising ka. Lalaban pa tayo. Tangina!" Nagka-crack na ang boses ni Alex habang yakap-yakap ang katawan ni Renzo.

Diavolo Academy (Completed)Where stories live. Discover now