Chapter 4

130 30 13
                                    

Dedicated sa pinakamagandang chicks na writer dito sa wattpad. Si miss Ai! Ang author ng Teen Clash siyempre.  I love her and her works. Sana balang araw mapansin niya din ako. haha.

+++

Chapter 4- Hi there!

FATE

    Nag-iwas agad ako ng tingin at tumalikod muli. OMG, OMG! Bakit ba kailangang nakatopless ang lalaking 'yon! Waaah! Porn na ba 'to?

"Damien naman, ang aga pa pero ibinabalandara mo na yang katawan mo. Alam kong maganda ang katawan mo pero mas maganda ang katawan ko kesa sayo. Mahiya ka naman lalo pa't may bisita tayo." 

Seriously? Tumingin ako kay Aris at kita kong nakangisi siya. Anghel ba talaga ang isang 'to? Kung kausapin niya kasi ito ay parang nang-aasar pa siya.

"You brute! Ano nanamang ginawa mo sakin habang natutulog ako?!" dama ko ang inis sa boses ng lalaki at kahit hindi  man ako lumingon ay dama ko ang panlilisik ng mata niya.

In fairness, ang swabe ng boses ha!

"Chill Damien. Wala akong ginawa sayo. Besides, you cannot suspect me without concrete evidence." matamis itong ngumiti ngunit nakakaloko

Taray! May ganong pakulo pala ang mga anghel?

"Ginagago mo ba ko ha?! Natulog akong balot na balot at paggising ko wala man lang akong saplot ni isa?! Now tell me you freaking asshole!"

Shit! Naririrnig niya ba ang mga sinasabi niya? Hoy, may tao dito oh! Babae to! Babae! Jusko, iligtas niyo ang lalaking 'yan mula sa masamang espiritong sumapi sa katawan niya! Tinatawag ko ang brilyante ng lupa--pagalingin mo ang nilalang na ito!

Tumawa ng mahina si Aris pero sa palagay ko kanina niya pa pinipigilan ang tawa niya.

"Damien, bakit ko naman gagawin yun sayo?" aniya na tila siya ang pinakainosenteng nilalang sa mundo. "At hindi ka ba nahihiya sa mga pinagsasabi mo? May babae akong kasama rito." turo niya sakin

"I don't care. At sino bang nagsabi sayong pwede kang magpapasok ng kung sino-sino dito? Are you freaking out of your mind?!" sigaw nito

Grabe ha. Hello? Nandito pa po ako? Kailangang sumigaw? Dama ko ang pag-welcome ha!

"Pero may dala siyang pagkain." ngumuso si Aris

"Oh fuck you and your food obsession!"

"Kahit kailan talaga ang sama ng bibig mo parang ikaw mismo." sarkastikong ani Aris.

"Wala akong pakealam. Kaya kung ayaw mong ikaw ang palayasin ko dito, paalisin mo na agad ang babaeng 'yan."

Wow ha!

Ang sakit niya sa tenga! Parang hindi yata siya nakakapagsalita ng walang halong pagmumura. Hindi lang siya masakit sa tenga, masakit din siya sa bangs! 

Pero wala akong bangs kaya nevermind.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa paglingon sa kaniya. Bahala na si batman kung makakita man ako ng bold.

Akmang magsasalita na ako nang---

What the hell? 

Napatigagal ako.

Hindi ko alam kung magugulat ako o matatawa. Is this a coincidence or a freaking joke?

Nagkatinginan kami at kita kong natigilan siya. Mukhang hindi niya din inaasahan na makita ako.

Fate And The Grim ReaperWhere stories live. Discover now