Chapter 2: Meet Darren

3.5K 128 2
                                    

KERDIE'S POV




"Ingat po kayo lo, mamimiss namin kayo" wahh! Wala na akong kakampi! kawawa naman ako naiwan ako dito sa mga kapatid at pinsan ko T^T

"Kayo rin mga apo, mamimiss ko kayo. Kiefer, ikaw ang pinakamatanda alam kong kaya mong bantayan ang mga kapatid at pinsan mo. Alagaan niyo lalo na itong si Kerdie" grabe naiiyak ako palo na pagnaiisip ko na wala ng magtatanggol sa akin kila kuya.

"Sige po lo, ako na ang bahala" sabi ni Kuya Kiefer.

Niyakap namin si lolo ng huling beses bago pa siya tumuloy.


"Una na ako sa inyo maghahanda pa ako para sa first day" paalam ko sa kanila.

"Sa'yo binigay ni lolo yung mga schedule namin diba? kunin nalang namin sa'yo mamaya" sabi ni Kuya Kiel.

"Sige" sagot ko sabay alis na.

Alam kong maggagala pa yung mga yun, mamaya pa naman kasi yung pasok. Hinatid na ako ng driver namin. Sila kuya kasi pati sila Kervin at Kenzo ay may mga sariling sasakyan na. Daya nga eh -____-

Pagkadating ko sa bahay ay hinanda ko na ang bag ko. Haysst first day, first time. Ano kayang pakiramdam ng nasa school na?

Tinignan ko ang mga schedule namin.

Yung akin pareho ng sa kambal ko at kay Jared. Magkaidaran lang kasi kaming tatlo. Si Kenzo naman ay sa fourth year highschool level na dahil advance siya nag-aral. Si Kuya Kiel at Kuya Jazper ay magkaklase sa 3rd Year College parehong Business Ad at si Kuya naman ay 4th year Business Ad din.


Teka...


Darius Renz Clinton, Business Ad. First Year College.


o_O


Si-si Darren kasama rin namin sa Olympus University!?

Si Darren ay anak ng kaibigan ni lolo. Ulila na siya kaya si lolo na ang nag-alaga sa kanya. Pero never ko pa siyang nakita nabanggit lang siya sa akin ni lolo kaya ko kilala. Sa unit ni lolo kasi siya nakatira tanging sila kuya palang nakakakita doon. Ang alam ko pareho kaming naghohomeschool. Nickname niya yung Darren.

Kailangan ko ihatid itong schedule niya!

Nagbihis na ako ng simpleng damit at pinuntahan ko agad ang driver namin at tinanong.


"Manong Cool diba alam niyo naman yung unit kung saan tumutuloy si Darren?" si Manong Cool kasi ng personal driver ni lolo, ewan ko nga at di sinama ni lolo itong si Manong Cool eh.

"Opo, bakit po maam Kerdie?"

"Kailangan ko po kasi ibigay to kay Darren kasi kailangan niya to dahil mamaya ay papasok na kami" naku naman di ko pa naman alam kung ano itsura nun.

"Ah sige po tayo na ihahatid ko po kayo doon"


Sumakay na ako at hinatid na ako ni Manong Cool sa Almirez Estates.

"Salamat po manong!" dumiretso na ako sa information desk.

"Uhm miss? Saan po dito ang room ni Mr.Darius Renz Clinton?" tanong ko doon sa babae.

Life With The BoysWhere stories live. Discover now