Flappy Bird Nanaman?

60.7K 903 267
                                    

WARNING: Korni pick-ups. May die out of maisness.

LONG version of FBN can be found on the ext. link at the side. Entitled: Flappy Bird Love Affair.

Yeah, I'm a crazed for birds.

                                                   .          .           .

                               Flappy Bird Nanaman? (One Shot)

                                                  .          .           . 

        Natuloy nadin ang inaasam asam naming date ni Ryan! Grabe napakasaya! Sino si Ryan? Haha wala lang, hubby ko! Pinakapoging nilalang sa puso ko, at sino naman ang dyosa sa mga mata niya? Syempre wala ng iba kundi ang kanyang napakagandang waify na si Christine*ehem* Chua~ joke. Feelingera lang talaga ako.

Pero kahit minsan medyo nadidistract parin ako sa Flappy Bird dahil may laro ding ganun si Ryan sa cellphone niya... wala eh, gamer ako :D Wait, joke! Flappy Bird lang pala ang kinaaadikan ko, sino ba naman ang hindi mabubwiset sa pixelated na ibong yun na hindi parin mamatay matay? Diba? Charot!

"Ryan! Paheram phone... please?" nagpupuppy eyes ako kay Ryan, for short nagpapacute.

"Para saan ba? Kanina ka pa hiram ng hiram ah." nakakunot ang kanyang kilay, medyo nababadtrip narin ang kanyang boses.

"Please? Basta kailangan ko lang talaga." pagpipilit ko, nagbuntong hininga muna siya bago niya ibigay phone niya saakin,

"Thank you!" in-open ko narin ang laro at nagsisimulang magtap ulit. Hininaan ko volume syempre, baka mamaya magtampo pa 'yan saakin dahil nagfaflappy bird nanaman ako.

"Tara punta tayo dun" pagtuturo niya sa isang direksyon.

Lumingon nadin ako at nakita ko ung ferris wheel. "Huh? Sasakay tayo dun?"

"Oo, dali! Tayo ka na dyan" hinawakan niya ang kamay ko sabay hila saakin papunta doon. Pinresenta namin ang 'ticket bracelet' namin kumbaga, ride-all-you-can! Buti nalang ang bait ng boyfriend ko at alam niya kung saan ko gusto!

"Bilisan mo na!" hinila niya ako ng medyo may pwersa kaya muntikan na akong matapilok, buti nalang at nasalo niya ako.

"Ah! Sorry" medyo binagalan niya ang paglalakad niya. Natutuwa ako sakanya,

"Haha, medyo atat?" humarap siya saakin at medyo napakamot sa batok niya.

Flappy Bird Nanaman?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن