Chapter 1: Bastards

18 1 2
                                    

--

"Good morning Yaya" bati ko kay Yaya.

"Mukhang maganda yata ang gising ng alaga ko ngayon ah" sagot ni Yaya habang naghahanda ng breakfast.

"Hmm..medyo napaaga po kasi ang tulog ko kagabi" Kumuha ako ng sandwhich at milk,eto kasi ang nakasanayan kong breakfast.

"Wow, mukhang excited na talaga sya sa first day of class nya ngayon" At ngumiti pa si Yaya na parang ewan.

"Syempre naman po Ya. Third year college na 'ko kaya super excited na 'ko lalo na't malapit na 'kong mag graduate" Inartehan ko pa pagkasabi ko nun. Kaya pareho kaming natawa.

"Ikaw talagang bata ka. Ubusin mo na yang pagkain mo at baka ma late ka pa"

"Sige Ya. Ma aga aga pa naman din po eh" Then tiningnan ko ang relo ko may kalahating oras pa namang natitira.

Pagkatapos kong ubusin ang pagkain. Naghanda na agad ako para pumasok na sa school. I hope this school year is more fun than the last school year. Well, last year marami din naman akong fun and nice memories but i'm expecting more than that this year. So,i hope that this college life will be memorable. That's what i like.

Paglabas ko ng bahay. Sinalubong agad ako ng driver namin.

" Oh,ma'am Alexa ihahatid na kita" sabi nya at papasok na sana sya sa kotse pero pinigilan ko sya.

"No need kuya manong. Maglalakad na lang ako, malapit lang naman ang school eh. Kayang kaya ko na yung lakarin" sabi ko. At nilipat ko sa kabilang side ang patbag ko.

"Sigurado ka ba? Baka mapagod ka" Concern naman ni kuya manong. 'yan talaga ang tawag ko sa kanya simula nung bata pa 'ko. Sila kasi ang madalas na kasama ko dito sa bahay. Halos busy kasi pareho si Mommy at Papa. Pero nasanay naman ako eh.

"Kung 'yan ang gusto mo oh sige ikaw bahala. Basta mag ingat ka" Naglakad na 'ko palabas nang gate.

Nagsimula na 'kong maglakad palabas ng village. Kinuha ko ang earphone ko sa loob ng bag then nilagay ko sa tainga ko. Nilakasan ko ang volume,medyo boring kasi kung mahina.

Hindi muna ako nag uniform ngayon. Hindi ko kasi nakahiligan ang mag uniform pa'no ba naman kasi, eh ang sobrang iksi. Jusko, ewan ko ba at halos lahat ng babae dyan sa McAldrich Academy eh gustong gustong mag uniform.Tsk. Di bale na nga. Bahala sila sa buhay nila.

Straight lang ang paningin ko sa nilalakaran ko ng mapansin kong may itim na van na huminto malapit sa nilalakaran ko. Huminga ako ng malalim at binilisan ko pa ang paglakad . Pero nakasunod parin ang van na 'to. Ano kayang trip nito? Tsk.

Nilingon ko ang van. At halos matumba ako ng biglang tumalon ang isang lalaki galing sa van. At dumiretso sya dito sa kinaroroonan ko. Tatakpan sana nya ang bibig ko pero nakailag ako. Aba! iba din to, wow ha, hindi na bago sa 'kin ang mga ganito. Minsan kasi kikilalanin muna nila ang kakalabanin nila.

Nang matumba ang lalaking 'yun. Tatadyakan ko sana sya pero may biglang pumigil sa paa ko dahilan para hindi ako makagalaw.

"Shit! What the fvck are you doing!?" Inis kong sabi kanya at tiningnan ko sya nang nakakainis na tingin.

"Sumama ka sa 'min!" Chill nyang pagkakasabi at nilagay nya ang mga kamay ko sa likuran.

"Aray!!" Bwis*t ka ah" . Sinipa ko sya sa likuran at agad syang natumba.

"Who the hell are you at sasama ako sa 'yo!? Ano to ha? Kidnap?" Nilapitan ko  sya.Nilapit ko ang mukha ko sa kanya  "Ang kapal ng mukha mo! Damn bastard!" Tatayo na sana ako. Nang sinuntok ako bigla sa tyan ng lalaking tatakpan sana ang bibig ko kanina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That BOYWhere stories live. Discover now