Chapter 13

2K 32 2
                                    

Pabalik na ako sa loob ng bahay nila jho at didiretso na sana sa kwarto upang magpahinga pero biglang lumapit sakin si deanna at tinawag ako.

"Dada! kanina pa may tumatawag sa phone mo" sabi nya at inabot na sa akin.

Kay jho ko ito pinahawak ah? Sinilip ko yung iba naming teammates at wala dun sina jho, ate ells, at jia.

"where's your mom?" tanong ko dito

"ahm she's with ate jia and ate ells. Matutulog daw sila kasi inaantok? haha yes sleepy head na daw sila" sabi nya at tumango na lang ako bilang sagot.

Bumalik na ulit sya sa panonood at ako naman ay dumeretso na sa kwarto namin.. Paghiga ko ay nag vibrate ang cellphone ko at tinignan kung sino ang natawag.

Babe 👅❤
Calling...

It's ej, Ej laure my kinakapatid. Ninang nya mommy ko, then ninang ko mommy nya kaya kapatid ang turing namin sa isa't isa. Ewan ko ba dyan kung bakit naisipan na gawing 'babe' yung pangalan nya tinanong ko sya kung bakit wala lang daw, tsaka wala naman daw malisya yun..

"yes? ano kailangan mo ha?" pang bungad ko sa kanya.

"grabe, wala man lang bang 'hi ej, kamusta?' kailangan agad? grabe sya oh" sabi nya na tila nagtatampo.

"hi ej, kamusta? ano kailangan mo? ayan okay na ba?" sabi ko habang pinipigilang tumawa.

"damulaaaagggg! imissyouuuuuuu huhuhuhu uwi kanaaaaa pleaaassseee" sigaw nya kaya nailayo ko sa tenga ko yung phone ko.

"tsh, pwede namang hindi sumigaw eh" pagrereklamo ko.

"aish! ganun din yun eh. Umuwi kana dito sa house as soon as possible hahaha may sorpresa ako sayo! byeee"

"wait-- toot! toot!" what the hell?

Matapos nya akong babaan ng tawag binalik ko na sa table yung phone ko at natulog na..

JHO'S POV

Nagising ako dahil may nang gigising na gasul.. de joke kahit ganyan yan si ate ells mahal ko yan..

"ineng! gising na magwa walwal pa tayo! Ang daming binili na beer ni aly at bea."

'Yung totoo? Pwede naman ako gisingin ng hindi binabanggit yung pangalan nyang beatriz na yan eh'

"ayoko ate ella tinatamad na ako" sabi ko at naglagay na ulit ng unan sa mukha ko pero tinanggal nya din agad ito.

"neng kanina ka pa hinihintay nung beh mo dun. Ang dami nya ngang biniling pagkain eh nahingi ako pero para sayo daw lahat yon"

'tsh, di moko madadaan sa paganyan ganyan mo isabel'

"Anong pake ko? Bakit hindi nya ibigay lahat kay ej yon?" tanong ko ar nagulat ako dahil tumawa si ate ells.

"HAHAHAHAHAHA bumaba ka para malaman mo-- hahahaha kung sino sino na lang pinagseselosan. Neng may kayo ba? Wala naman diba? hahaha kaya bumaba kana dyan para hindi ka na magseselos sa susunod" mahabang paliwanag nito sakin.

Hindi ko alam kung ano ano pinagsasabi nyan basta sumunod na lang ako.. Bumaba na ako at nakita ko ang isang isabel na ngingiti ngiti sa akin kaya inirapan ko sya..

'Kala mo madadaan mo 'ko sa paganyan ganyan mo? lul ka manloloko!'

"hi beh!, tara dito ka na sakin sumabay" masiglang sabi nya sakin kaya napatingin ako kay jia at ate ella na nasa likod ng kotse ni bea at ngingisi ngisi na sa akin.

You change me (ON-GOING)Where stories live. Discover now