33

659 48 7
                                    

Marianne's Pov

Haist.. Bakit kaya biglang naging cold sakin si Taehyung? Wala naman akong natatandaan na may ginawa ako sakanya. Hindi na niya ako chinachat, hindi na niya ako kinukulit sa mga ballpens niya.

Sa totoo lang gusto kong gawin yung pinapagawa sakin ni Seokjin, pero hindi ko magawa. Alam ko kung ano yung ibig-sabihin ni Jin don. Alam ko na pwedeng may usapan si Taehyung at kung sino man yon na pagpustahan ako. Na kailangan manguna si Taehyung sa ranking. Matagal ko nang alam na ginagawa ni Taehyung yon, nagawa na kasi nung kaibigan niya na si Bogum na pagpustahan yung kaibigan ko din na nagtitinda ng ballpen. Dati kasi siya yung nangunguna sa ranking tapos biglang bumaba at si Taehyung na ang nangunguna. Libangan ko lang naman ang pagtitinda ng ballpen, hindi ko naman alam na ako pala ang nangunguna sa ranking. Wala naman akong paki don. Kahit anytime pwede kong itigil ang pagbebenta. Pero nakasanayan ko na, nalibang na rin ako sa pagbebenta. Kaya ayon, sinasakyan ko nalang yung ginagawa ni Taehyung. Sinadya ko na ichat siya kasi tinest ko na baka pagpustahan din nila ako, pero hindi ako nakakasiguro don. Baka wala siyang balak sakin o gusto niya lang talagang makipag-kaibigan. Hinihintay ko nalang na manggaling sakanya na pinagpustahan nila ako.

Hindi ko na dadamdamin yon, kasi una't sapul, ako ang nauna.

At wag kayong maingay guys, satin-satin lang to. Gusto ko si Taehyung, matagal na. Nung unang araw na sumali ako sa mga nagbebenta ng ballpen. Nakita ko siya siyang kumuha ng isang box ng ballpen para ibenta. Hindi ko alam at parang tumigil ang pagikot ng mundo ko at siya lang ang nakikita ko. Yun na ata ang sinasabi nilang 'Love at first sight' pero hindi pa naman love ang nararamdaman ko. Like palang naman pero patagal ng patagal, palalim ng palalim. Parang gusto ko nang itigil yung pakikipag-usap ko sakanya. Kasi parang pinaglalaruan ko na siya at ang sarili ko.

ballpen | kim taehyungWhere stories live. Discover now