Ghost 3

11 1 4
                                    


Ace Catacutan


---------------------------

Dawn's POV




Ilang araw na ang lumipas ay mas lumala pa ang sitwasyon ko sa aking pagtulog. Sunod-sunod na ang mga paramdam ni Ace at hindi maipaliwag na pangyayari. Kaya naisipan ko na pumunta sa isang esperitista. Nagpatulong ako sa aking kaibigang si " Laura "  dahil may tita naman daw siyang Isperitista.







"Pasok kayo mga anak at huwag matakot. Pagtibayin niyo ang mga isip niyo at manalig sa Diyos. Ang lahat ay may katumbas na kasagutan sa mundong ito" sabi ng Isperitista sa amin.






Tumango lang kami ni Laura bilang pagtugon at naupo kami sa harap ng isperitista.






"Iabot mo sakin ang iyong kamay." habang pinagmamasdan niya ako.  "Hula ko dawn ang pangalan mo." isperitista ba to o manghuhula?.







"Diba tita sinabi ko na po iyon kanina bago kami pumunta dito?" Nagtatakang tanong ni laura sa kaniya tiyahin.








"Ah ganun ba? Pasensya naman. Dawn ano ba ang pakay mo sa akin?" Tanong niya sa akin.








"Madam,Ganito po kasi yun may n—." Hindi ko paman natatapos ang aking sasabihin ay bigla siyang nagsalita.







" Alam ko na ang iyong pakay sa akin.  May para bang nakasunod lagi sayo at nagmamasid?" Tanong niya sa akin.







 "Opo tama kayo. Pero next time huwag napo kayong magtanong kung alam niyo na ang sagot." Pagrereact ko.




  "Pasensya naman. Pagkarating niyo palamang ay may nakita nakong multo na nakasunod sayo. Parang binabantayan ka niya. Huwag kang matakot parang mabait naman siya." Pagpapaliwanag niya sa amin.







"Madam? sino pobang hindi matatakot sa multo?" Kahit kayo naman takot diba?







"Ako hindi, eh ikaw? Oo. Kasalanan muo nang matatakutin ka. Ngayon ihanda muna ang sarili mo." sabi niya na nakaseryosong mukha.








"Para saan po?" Nagtatakang tanong ko.








"Sumunod kana lang sa mga sasabihin ko maghawak-hawak tayo ng kamay at ipikit ang mga mata" sabi niya at ipinikit ang kaniyang mata.







Sinunod naman namin lahat ng iniutos niya.







"Pelakwerta,Moderata,Akarel,Sumra—" hindi niya natuloy yung pinagsasasabi niya kasi nagsalita ako.








"Wait po!" Pagpapatigil ko sa kanya.









"Bakit? Natatakot kana ba?" Tanong ng isperitista sa akin.

Accidentally In Love with a GhostWhere stories live. Discover now