nightmare

11 15 9
                                    

RHIANNE POV

HINDI AKO NERD, sa totoo lang. Napakasama ko. Alam mo yung feeling na gusto mong nasayo lang atensyon ng kaibigan mo? Alam mo yung feeling na sa sobrang security mo sa iba nagagawa mo na silang siraan? That's not my point. But my point is.... kasalanan ko kung bakit wala akong kaibigan, Mataas ang pride ko! Alam ko.

Hindi dahil kay south iyon, kundi yung mga nakasulat sa diary ko noon, pinag tawanan nila.

FLASHBACK

"DEAR DIARY  Naiinis ako kay jenny! Ang lakas niya kasing sumuntok. Akala niya yung mga jokes niya nakakatuwa. Hindi niya alam nakakasakit na pala" Ayan ang mga nakasulat sa dairy ko noon. Binabasa ni south ito sa harap ng buong grade 7.

Hiyang hiya ako noon, nakaupo ako sa gilid ni south at iyak ng iyak habang naka luhod, nag mamakaawa akong ibalik ang diary ko.

"Ahh ganun ba?!" Papalapit saakin si jenny ang tomboy-tomoboyan.  nireready niya na ang kanyang kamao, minamassage niya iyon. Nang nasa harapan ko na siya, bigla niya akong sinapak ng malakas sa mukha "serves you!"

Napahiga ako sa sahig  at dumugo ang bibig ko. Mas lalong lumakas ang hagulgul ko. Sa isip-isip ko tama lang ito saakin. Kaya tumayo ako sa abot ng makakaya ko kahit nahilo ako sa ginawa ni jenny. Pero ang masakit nakita ko si bella, samina, tinatawanan lang ako they're my friends.. It hurtz me so much

"Aba lumalaban ang traydor" Sigaw saakin ni south at ngumisi. Nilipat niya ang isang pahina "tignan natin.. dear diary, ang feeling gwapo ni henry HAHAHAAHHAHAHA" napahawak pa si South sa tyan niya "hinding-hindi magiging sila ni Bella! Hahahahaha ewwww. 'Di ko ma-imagine hahaha" tuloy pa rin ni south sa pagbabasa  ng diary ko, wala ang proffesor namin dahil inatake sa puso dahil kay yosef at south na mag bestfriend

Nakita ko nalang ang sarili kong nakahiga ulit sa lapag, Gulo na ang buhok ko at duguan ang muka ko, may pasa narin ako sa braso at natanggal ang isa kong ngipin. Binasa ni south ang lahat pati narin tungkol sa crush ko, ayaw ko sa room, at mga ayaw kong tao

"BAGAY LANG SAYO YAAN!" sigaw ni annie

"OO YEAH YEAH! HAHAHAHAHA" pag sasang-ayon ni bella at samina na nag apir pa. Nakakaiyak. Sobra. Yung. Kaibigan. Mong. Hindi. Ka. Napag. laban.

"Isa kang traydor"

Hindi ako traydor

"Dapat sayo sinusunog"

Tama lang saakin na sunugin

"Di kana dapat buhay"

Tama. Mabuting wala na ako sa mundong ito

Tumakbo ako ng pintuan nang hinarangan ako ni yosef at South, tinulak nila ko at pinag sisipa. Sumali na rin ang ibang lalake at babae na sumisipa doon.

Nahagip ng mata ko si Samina na ang laki-laki ng ngiti sa muka at nakikienjoy na sipain ako, at si bella na nakikitawa lang, walang gusto pumigil. Nag slow-mo ang lahat ang pag tawa ni bella ang ngiti ni samina habang sinisipa ko, ang pag sipa saakin ng mga lalake.

Hanggang sa nawalan ako ng malay

END OF FLASHBACK

BUTI SANA kung pang kaibigan away lang, katulad ng plastikan, trayduran, pag baback stab, mas matatangap ko pa kung ganon ang nangyari, pero iba eh, sinaktan na nila ko and i feel so weak.

Tortuous loveWhere stories live. Discover now