<< p11 >>

6 3 0
                                    

Masaya ako na nakilala kita
Ngunit ang puso ko ay puno ng pangamba
Halo halong emosyon takot at saya 
Na maaaring maiba
Hindi ba pwedeng hilingin ko sa diyos ama 
Na kung maaari ay araw-araw akong maging masaya?
Sa piling mo, sa piling nating dalawa

Aaminin ko 
Oo't takot pa rin ako 
Takot parin akong magmahal muli 
Na baka sa huli ay maulit muli
Bakit kasi pag nagmahal kailangan pang masaktan? 
Hindi ba pwedeng puro saya at tuwa na lang ang maramdaman? 
Bakit kailangan pang magsakprisyo? 
Kung pwede naman akong mahalin ng taong gusto ko?
Bakit kailangan pang maghintayan? 
Kung sa huli ay mauuwi din lamang sa hiwalayan?

Sabi nila sa pag-ibig ay walang hangganan
Ngunit bakit tila lahat ay may katapusan!? 
Hiling ko lamang ay ang mahalin siya at mahalin niya ako na para bang walang bukas 
Pagmamahalang walang wakas
Ngunit ito lamang ay isang imahinasyon
Na hindi magtatagal ng panghabang panahon

-----------------------

poetry &gt;&gt; random thoughtsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora