Chapter 17: 💃Moonice true power💃

1.1K 46 0
                                    

Moonice POV

Naglalakad ako ngayon papuntang stage.

Ayoko sanang gamitin ang kapangyarihan ko dahil subrang napakadilikado kung gagamitin ko ito sa loob ng field.

Pagtung- tong ko sa stage ay hiniram ko muna ang mike ng emcee bago nagsalita.

Nais ko lang sabihin at itanong na kung maaari ay sa labas nalang ang venue para masyadong malawak ang lugar.

Sa tingin ko kasi ay masisira ang field na ito kapag dito ko ipapalabas ang kapangyarihan ko.

Minsan ko na kasing nasira ang field na ito kaya kung mararapatin niyo ay sana sumangayon kayo.

Sumang- ayon naman ang lahat sa sinabi ko.

Ginamit ko nalang ang Sun teleportation ko para mateleport silang lahat sa labas.

Subrang lawak kasi ang kapatagan doon kaya pwede mong gamitin lahat ng kapangyarihan mo doon.

Nang makarating kaming lahat ay binalik ko na ang mike sa emcee.

Nang matanggap na niya ito ay agad naman siyang umalis.

Rix POV

Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Moonice kanina.

Bigla nalang kaming nakarating sa labas ng paaralan.

Nang ibinalik na niya ang mike sa emcee ay ipinikit niya ang kanyang dalawang mata.

Pagkatapos niyang pumikit ay unti- unting umaangat ang kanyang sarili paitaas.

Kasabay ng kanyang pag-angat ay ang paggalaw ng kanyang mga kamay.

Bigla nalang dumilim ang kalangitan.

Kasabay ng pagdilim ang paglitaw ng araw at ng buwan.

Nakapikit parin ang dalawa niyang mga mata.

Sa paglitaw ng araw at ng buwan ay lumikha ito ng nakasisilaw na liwanag.

Ang dilim na paligid ay napalitan ng liwanag.

Ang araw at ang buwan ay naging isa.

Mas lalong lumiwanag ang buong paligid.

Kasabay ng nakasisilaw na liwanag ang pagbago ng anyo at kasuotan ni Moonice.

Napakaganda niyang tingnan.

Mas lalo pa siyang gumanda.

Bumalot sa kanyang katawan ang kasuotang.

Gold and white.

Kumikinang ang mga ito.

Para siyang isang Goddess dahil sa kanyang kasuotan at sa kuruna na golden silver.

Unti- unti niyang ibinuka ang kanyang mga mata.

Kasabay nito ang paglaglag ng mga golden Silver dust.

Bawat galaw niya ay lumalaglag ang mga ito sa lupa.

Ang ganda niya talaga.

Labis parin ang pagkamangha ng mga mag-aaral sa kanilang nakita at nasaksihan.

Mas lalo kaming namangha ng inikot na ang kanyang kanang kamay at biglang lumitaw ang maliit na liwanag na siyang may nakakatakot na enerhiya.

Pinatama niya ito sa kalangitan at lumikha ito ng liwanag.

Sumabog ito ng napakalakas bigla nalang nakakaramdam kami ng takot at lamig ng ihip ng hangin.

Ang kalangitan na madilim ay nabawasan ang pagkadilim nito ng may nagbagsakan na maliliit na liwanag na parang fireworks sa gabi.

THE PURPLE ACADEMY COMPLETED but  (UNEDITED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora