Chapter 28: Drunken Prince

160 5 0
                                    

Pagkatapos ng oras na halos himatayin na kami ni Michi ay umuwi na kami sa bahay kasama si Kate at si Mattew and Ingrid ... well thoses two insist on going.

"Aanu ba kayo dito?" tanong ni Michi habang nagpeprepare ng pagkain nila.

"Diba napag-usapan natin na mag-oovernight tayo sa FRIEND na TINITIRHAN ni Yuan?" sabi ni Mattew.

"But unfortunately its not just a friend, but a girlfriend" sabi naman ni Ingrid.

geez, these two.

"P-pero, di kayo prepared for this right? W-wala din kayong mga gamit and wala tayong foods. G-gusto niyo bang mamatay ng maaga?" Sabi ni Michi na nasa tabi ko lang.

"Mamamatay agad? Di ba pwedeng hospital muna?" Bulong ko naman at duon ko natanggap ang death glare ni Michi "Sakyan mo nalang ako" bulong naman niya.

"Dont worry, any minutes uuwi kami ni Mattew para kumuha ng gamit. Dadaan narin ako sa 7/11 para bumili ng foods" sabi ni Ingrid.

"Ikaw Kate, wag ka naring umuwi tutal diyan ka lang naman sa kabila diba?" Sabi ni Mattew na parang kilalang kilala na niya si Kate "Oy Mattew, h'wag mong idamay kapatid ko dito. Kagagaling sa lagnat eh" pagpoprotesta naman ni Michi.

Lumapit si Ingrid kay Kate at inakbayan si Kate "Hindeeeeee. Kasama ka dito"

Lumingon naman si Kate kay Michi na parang tinatanong kung anung dapat niyang gawin. "Basta, hintayin niyo kami ni Mattew dito. Babalik rin kami. See ya!" At nagalakad na sila palabas ng bahay.

"Bibili kaya ng mga alak 'yon?" Bulong ni Michi habang nakatingin sa pinto "A-alak? Ate, Am I going to be okay?"

"Bawal ka uminom ng alak at lalong ikaw Yuan!" sagot kaagad ni Michi.

"B-bakit naman pati ako nadamay? Kung bawal ako, mas bawal ka" sabi ko naman.

"Gusto mo bang malaman nila ang sikreto mo?" Nadulas na sabi niya kaya nilingon siya kaagad ni Kate "A-anong sikreto?"

waaaaa now what?! "N-na dito siya natutulog" sabi ni Michi.

"But we already know that thing"

"Ah, eh, ah e-edi wala na palang sikreto? He-he-he"

Napabuntong hininga naman ako "M-magbihis na kayo p-para pagdating nila okay na tayo" sabi niya at nagsimula siyang maglakad paakyat sa hagdan.

"So paano kuya Yuan, babalik muna ako sa bahay nila Tita Salvi. Balik nalang ako" tumango ako ng may ngiti kaya lumabas narin siya.

Umakyat ako sa hagdan at huminto sa tapat ng kwarto ni Michi "Is it really going to be okay?" Tanong ko mula sa labas.

"Probably ... " tipid niyang sagot.

"P-probably??????"

"We'll manage it somehow. Hoy, magsi-cr muna ako. Mag-ayos ka na"

"Yeah, yeah"

Naglakad na ako papunta sa room ni Kuya Kael. Inayos ko mga gamit ko at pumunta na sa cr para maligo. Habang naliligo ako bigla akong napatingin ang reflection ko sa salamin. Mag-istay nalang ba ako sa ganto?

Bigla akong nangiti. As long I'm with her ...

Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako. Nagsuklay ng buhok at kung anu-anu pa.

Lumabas ako ng okay na lahat at natanaw ko si Kate at si Michi sa sofa na nag-uusap. Nakuha ko naman kaagad ang attention nila. "Bat ang tagal mo? Mas matagal ka pa sa babaeng maggayak" sabi ni Michi.

My Prince From The CenturyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon