Chapter Nine: Misery

44 29 14
                                    

A/N

I dediacate This Chapter To YanaJin
One Of My Inspirations.

~Chai😘

Nagising ako sa  sinag ng araw na dumampi sa mukha ko. Ng imulat ko ang mata ko napatayo agad ako sa kama dahil male - late na pala ako. 7:00 na. 7:30 pa naman ang pasok ko. Nag - ayos na agad ako at pumasok na ng hindi man lang nag - aalmusal. Hindi ko na rin pinansin si Mommy.

Pagkarating ko sa School parang nakatingin sa'kin lahat ng estudyante. At ang malala? Ansama ng tingin nila. Kung nakakapatay lang siguro ang tingin patay na ako ngayon. Nakita ko naman ang mga estudyante na nagkukumpulan sa tapat ng isang malaking Bulletin Board pero dahil napakaraming nagkukumpulan na estudyante doon hindi ko masilip ang laman no'n. Magsasayang pa ako ng panahon para lang dyan papasok na sana ako sa Room ng bigla nalang gumilid ang lahat ng estudyante sa Hallway at matira ako sa gitna at sa hindi ko inaasahang pangyayari may isa pa palang nasa gitna.

"Princess." Malumanay na sambit ko sa pangalan niya.

"Nandito na pala ang Dakilang Bully." Sabi pa niya habang pumapalakpak. "Ang taong nanakit sa mahihina." Nakarinig ako ng tawanan sa mga tao.

Masaya na ba sila? Sa tingin ba nila nakaganti na sila?

"Ang dating matapang at laging nagpapaiyak, Ngayon siya naman ang pinaiyak. Ansaya 'diba?" Nanlaki ang mga mata ko ng may magsalita mula sa likod ni Princess. Ayesha. Teka.. hindi naman siya dito nag - aaral ah.

"Ay. Before I forget. Nag - transfer na pala ako dito just so you know." Sabi pa ni Ayesha at naghair - flip pa. Hindi naman bagay sa kanya ang Uniform namin.

"Bakit ka nga pala umiiyak?" Nakangising tanong ni Princess.

"At bakit ka nagtatrabaho bilang waitress sa isang RestoBar? Nagpanggap ka lang bang mayaman dati para makapang - api?" Tanong naman ni Ayesha sa mapanglarong tono.

"Bakit hindi ka makasagot?" Titig na titig na sa'kin lahat ng tao. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bigla namang umalis si Ayesha habang si Princess naman ay naglakad palapit sa'kin at bigla akong sinampal ng malakas dahilan para mapaupo ako sa sahig. Napayuko nalang ako sa kahihiyan. Siguro nakakapagod ng lumaban. Nakakasawa na. Naubusan na rin ako ng lakas para lumaban. Napaluhod naman ako at naitukod ang dalawang kamay ko sa sahig ng may nambato ng bola sa'kin mula sa likod.

"Masakit ba?" Napaangat ang tingin ko kay Ayesha na ngayon ay nakangisi.

"Masaya ka na ba?" Sagot ko kahit nangangatog na ang tuhod ko.

"Hindi pa. Kulang pa 'yan sa lahat ng kasalanang ginawa mo sa'kin. Sa'min." Sabi pa niya habang tinuturo ang mga taong binully ko noon.

"Hindi pa ako masaya. Hindi pa 'to sapat." Mariing sambit ni Princess.

"Ano bang ikakasaya mo?" Tanong ko kahit na halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko. Hirap na hirap na akong magsalita.

"Ikakasaya ko? Well simple lang naman. Kapag nawala ka na." Lalo akong napayuko at naikuyom ko ang kamao ko ng patago. Ganito ba ako kasama noon? Karma na ba 'to sa lahat ng kasalanang nagawa ko?

"Okay Girls it's your turn." Nagulat ako ng isa - isang lumabas ang mga babaeng binully ko noon. Bakit parang andami naman ata. Sinugod nila ako ng sabay - sabay. 'Yung isa sinabunutan ako 'yung isa kinakalmot ako. 'Yung isa naman hinihila ako. Nahihilo na ako. Andami na nilang nakapalibot sa'kin, nanlalabo na rin ang paningin ko. Akmang sasampalin ako ng isa ng may humawak sa kamay niya kasabay ng may humarang sa harap ko. Napaangat ang tingin ko kay Monchezter na pumigil sa kamay ng babaeng sasampal sa'kin habang si Ace naman ay nasa harap ko at nagsilbing panangga ko.

"As The President Of This School. Ayoko ng may nagkakagulo. Ayoko ng may nang - aapi at naaapi. Gusto ko pantay - pantay lang ang lahat. Go to the Dean's office right know." Bakit ako pinagtatanggol ni Mon?

"Wag niyong isipin na may kinakampihan ako. Wala akong pakielam kung mag - away kayo basta 'wag sa loob ng eskwelahan na ito. Tandaan niyo pinapangalagaan natin ang tile na The Most Peaceful School. Ayokong masira ang pangalan ng School natin ng dahil lang sa inyo. Paano kung nakalabas ang balita? Mawawalan tayo ng karangalan. Pwede niyo namang pag - usapan 'to ng maayos. Hindi niyo kailangang magsakitan." Napatingin ako sa mga estudyante. Antatalim ng mga tingin na binibitawan nila sa'kin.

"Bakit 'diba dati si Vibes din nang - " Hindi na natuloy ang sinasabi ni Princess ng magsalita si Ace dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Tulad ng sinabi mo DATI na 'yon. DATI bakit ba ang hirap sa inyong kalimutan ang nakaraan?" Dumaan ang tingin sa'kin ni Ace tsaka ako kinindatan. Psh. Baliw.

"Wow ah. Dalawa pa kayong taga - pagtanggol." Sabat ni Ayesha.

"Oo nga pala Ms. Ayesha Villasana. Transferee ka 'diba?" Tumango naman si Ayesha bilang sagot sa tanong ni Mon. "First day mo palang kasama ka na agad sa isang gulo? Ano kaya ang magiging reaksyon ng Dean 'pag nabalitaan niya 'to?" Mapanlokong tanong Ni Mon. Napairap naman si Ayesha bago nagwalk - out. Sumunod na si Princess hanggang sa konti nalang ang tao at 'yung iba ay bumalik na sa kanya - kanya nilang ginagawa kanina. Ngumiti sa'kin si Mon habang hila - hila naman ako ni Ace. Nakarating kami sa Likod ng School.

"Umayos ka nga. Lagi ka nalang nakikipag - away. Kahit sa'n ka ba talaga magpunta magdadala ka ng gulo?" Pasigaw na sabi ni Ace. Wow. Napagaan niya talaga ang loob ko.

"Sinasabi mo bang ako ang nagsimula?" Kahit nanghihina na ako ay pinilit ko paring taasan ang boses ko.

"Hindi ko sinasabing - "

"Nando'n ka ba simula palang ng gulo?" Taas kilay kong tanong.

"Ang akin lang naman - "

"Wag ka nalang mangielam. Hindi ko kailangan ng sermon mo." Hinila ko mula sa kanya ang kamay ko tsaka nagwalk - out.

"E di Magwalk - Out ka Dyan ka naman magaling eh." Sigaw pa niya habang naglalakad ako palayo. Humarap ako sa kanya.

"E di 'wag mo akong paniwalaan dyan ka naman magaling eh." Sabi ko tsaka umirap at tumalikod.

"Ang hirap mo talagang umintindi." Hindi ko nalang pinansin ang binulong niyang narinig ko naman para hindi na humaba pa ang usapan. Nakakainis na siya. Lagi nalang niya akong hindi pinaniniwalaan.

On Your First GirlfriendWhere stories live. Discover now