TGD 23

14.6K 264 2
                                    


Starlet

Hindi ako mapalagay I'm so nervous, dahil kapag lumabas na yung baby ni Adele it can cause many changes in our lives. Kapag napatunayan na si Caleb ang ama ng anak nya hindi ko na alam ang mangyayari.

Umupo ako sa sofa. After ma-receive ni Caleb yung tawag nauna na syang bumalik sa resort para mapuntahan si Adele. Pagkatapos ay sumunod narin kami sa kanya pero hindi sa ospital.

"Mom sana maging maayos ang panganganak ni Adele." tumabi sa akin si Mommy.

"Don't worry matapang si Adele kakayanin nya iyon." yumakap ako kay mommy.

Naiiyak ako sa maaring mangyari. What if anak pala ni Caleb yung baby ni Adele? I'm sure hindi papayag si Adele na sa akin ipakasal si Caleb. Ayoko rin naman pilitin si Caleb na ako ang pillin dahil sa pag pressure ni Dad sa kanya. I love him very much.

"Mom what if anak nya talaga yung baby ni Adele?" naramdaman kong tumingin sa akin ang mga kapatid ko. Lahat kami ay narito sa sala ng cottage pwera kay Dad na kausap sa labas yung tatay ni Caleb.

"Wag ka munang mag-isip ng ganyan Starlet." sabi ni Lie.

"No. I can't." umiyak na ako sa bisig ni Mommy.

Habang papabalik kami dito sa cottage kanina may pumasok na sa isip ko na gagawin ko. Na sa tingin ko ay nararapat. Biglang bumukas yung screen door at pumasok si Dad kasama yung tatay at nanay ni Caleb. Halatang may pinagmanahan na magandang mukha si Caleb. Ang gwapo at ganda ng mga magulang nya. Sana yung baby ko maging kahawig ni Caleb ng paglumayo ako kay lagi kong maramdaman na nandiyan lang sya sa tabi ko.

Ngumiti sa akin yung mga magulang ni Caleb. Pinakilala kami ni Dad at sila rin sa amin.

"Ang ganda mo iha." pinahid ko yung luha ko saka ngumiti kay Tita Andrea.

"Thank you po." tahimik lag akong nakikinig sa mga pinaguusapan nila Dad at Tito Joshua.

"Isa ako sa magmo-monitor ng DNA test don't worry." tumango sila kay Dad sabay tingin sa akin.

"What do you want anak. Ikasal kayo after malaman yung DNA result or pagkapanganak mo nalang?" tanong sa akin ni Dad.

Hindi ako agad sumagot sa tanong nya kaya natahimik rin sila. Walang nagsasalita hanggang sa sumagot na ako.

"Kapag naging positive ang DNA result ipapakasal nyo rin ba si Caleb kay Adele?"

"Caleb decision is what we need if that would happen." sabi ng Tito Joshua.

"If positive yung result gusto ko sanang ipakasal nyo sila." hinawakan naman ni Mommy yung kamay ko ng mahigpit. Hindi ko mapigilan na hindi mangilid ang luha. "Ang also I want to take a long vacation habang hinihintay yung result."

"Okay one week is enough right?"sabi ni Dad. Umiling ako.

"It's my decision kung hanggang kelan ako magbabakasyon." bumuntong hininga naman si Dad.

"Paano kung negative yung result?" tumingin ako sa kanila.

"Saka ko na iyan pagiisipan kapag bumalik na ako. Ayokong makulong si Caleb dahil sa pressure na dapat nyang gawin. I want him to choose what he want! Kung ako talaga ang pipiliin nya makakahintay sya hanggang sa pagbalik ko."

"Starlet." tinignan ko si Mommy na nangigilid ang luha.

"Please Dad."tumingin ako kay Daddy." Kahit ngayon lang pwedeng ako muna ang mag desisyon? I want a break. Babalik naman ako don't worry hindi ko ilalayo yung apo nyo." tumingin ako sa mga magulang ni Caleb.

"At gusto ko rin pong makatapos muna si Caleb ng pag-aaral bago maitali sa akin. I want him to enjoy his bachelor life. "

NANDITO ako ngayon sa kwarto ko sa bahay namin. Nagiimpake na ako ng mga gamit ko para sa pansamatalang paglayo ko. Hindi dahil sa nagpaparaya na ako kay Adele kung hindi gusto ko munang hanapin ang sarili ko sa paglayo ko. Mahirap man aminin pero ayoko na nandito ako kapag nalaman ang result. Ayokong makita si Caleb si piling ng iba kaya aalis na muna ako. Kapag buo na ulit ako saka ako babalik at haharapin ang realidad.

Naramdaman ko na may pumasok sa kwarto ko. Tumingin ako sa may pinto at naabutan ko si Reese na nakatingin sa akin nakangiti.

"Ang penget mo." sinamaan ko naman sya ng tingin dahil sa sinabi nya.

"Bast basta ka nalang pumasok sa kwarto ko para iyan lang yung sabihin?" tumabi naman sya sa akin dito sa kama. Sabay gulo sa buhok ko.

"Mami-miss ka namin kapag umalis ka. First time ata iyon."

"First time mo akong mami-miss?" sumimangot naman sya sa akin.

"First time na aalis ka ng bansa na hindi mo kami kasama." ngumisi ako sa kanya sabay yakap sa braso nya.

"Mami-miss ko rin naman kayo eh." humarap sya sa akin sabay yakap ng mahigpit.

"Never ako nag higpit sayo tulad ng paghihigpit nila Dad. Pero hindi ko naman alam na ganito yung mangyayari." ngumiti ako sa kanya.

"Wala akong pinagsisihan Kuya Reese." kinurot naman nya yung ilong sabay halik sa noo ko.

"Don't be. Dahil alam kong sa konting panahon na magkasama kayo naging masaya ka." naiiyak na naman ako. Tumango tango ako sa kanya.

"I'm looking forward to see you again together with my niece or nephew?" humiwalay naman ako sa kanya. Sabay hawak sa tiyan ko.

"Don't worry hindi naman ako magtatagal."

The Good Donor (Completed) Where stories live. Discover now