Unrequited Love 2: It is really not that unrequited

21 2 2
                                    

May mga taong natatakot lamang mag-mahal dahil maaaring sobra silang nasaktan dati.

--

Naglalakad si Amy palabas ng opisina at nakita naman ito ni Jay. Gusto niyang lapitan ang dalaga pero hindi siya pinapansin nito simula noong isang buwan. Pinagtatakahan naman niya ito.

Ibang Amy rin ang nakikita niya. Hindi niya alam kung bakit parang nagbabago ito sa bawat araw. Mailap na ito sa tao at hindi pala ngiti.

"May problema kayo ng asawa mo?" Lumingon siya at nakita niya si Nora na kumakain ulit ng chesse bread. Simula nung ikasal sila sa marriage booth ay tinatawag na si Amy na Mrs. O'Niel. Ayos lang naman sa kanya at tuwang-tuwa siya pero hindi niya alam kung gaano katuwa siya ay ganun na lamang ang lungkot ni Amy.

"Hindi niya ako pinapansin." Iyon lang ang sinabi niya. Nagkibit-balikat naman si Nora. "Ikaw nauna kaya karma mo 'yan." Sabi nito at iniwan na siya.

Huminga siya ng malalim at saka hinabol ang dalaga. Nasa may kanto si Amy at kitang-kita niya na may yumakap ritong lalaki at ang lapad ng ngiti nito. Lalapitan niya sana ng may humawak ng braso niya at paglingon niya ay si Casandra.

"Hindi mo na ako hinintay." Sabi nito sa kanya.

"May pupuntahan kasi ako. Sige una na ako." Tumakbo siya kung saan niya nakitang pumunta si Amy. Natagpuan naman niya ang dalaga na kasama yung lalaki at iniwan siya nito pagtapat sa Ascott.

"Amy!" Pagtawag niya sa dalaga. Lumingon ito at ginagulat ng dalaga.

--

Hindi mawari ni Amy ang nakita niya sa kanyang harapan dahil nandoon si Jay na nakangiti sa kanya.

"Pauwi ka na?" Tanong nito.

"Oo sana." Sabi niya.

"Wag muna. Nood tayo sine. Palabas na ngayon Batman VS Superman. Tara nood tayo." Pagyaya ni Jay. Nakita naman kaagad ni Jay siguro sa mukha ng dalaga ang pag-aalinlangan.

"Libre ko. Tara." Sabi ni Jay sabay hatak kay Amy papasok sa mall.

Napalingon si Amy sa magkasaklop nilang mga kamay.

Why does it feels so right?

Iyon ang tanong niya sa kanyang sarili. Alam niyang wala siyang pag-asa kay Jay dahil pisikal na anyo pa lang walang wala na siya sa naging kasintahan nito.

Hangang sa matapos ang kanilang pinapanood ay hindi binitawan ng binata ang kamay niya at itong puso niya patuloy sa pagtibok ng malakas. Hindi niya mawari kung bakit ba niya nararamdaman ito. Dahil ba sa may gusto siya sa binata o dahil may malalim pa siyang nararamdaman?

"Amy, may problema ba tayo?" Tanong sa kanya ni Jay. Umiling naman siya at saka yumuko. Simula ng nangyari sa marriage booth ay hindi na niya ito matignan mata sa mata o kahit man lang ay makausap niya ito.

"Parang meron. Simula noong nangyari sa marriage booth hindi mo na ako pinapansin." May pagtatampo sa boses nito. Umiling naman siya na saka napangiti dahil ang cute-cute tignan ng binata.

"Salamat sa paglibre sa akin ng sine. Uuwi na ako." Ngiting sabi ni Amy.

"Ayaw mo bang kumain muna?"

"Jay, ang laki na ng ginastos mo. Next time ako na ang manlilibre." Ngiting sabi pa rin ni Amy.

"Hindi naman ako naniningil. Gala lang tayo, yung taong dalawa lang. Please? Promise, walang makakaalam." Nakangiting sabi naman ni Jay may nakataas pa ang kamay nito na parang nanunumpa. Napatango na lamang si Amy at nagpadala sa kung saan siya gustong dalhin ng binata.

My 'One Shot' CollectionМесто, где живут истории. Откройте их для себя