2 weeks

12.5K 314 30
                                    

Raven pov

Nakatingin lamang ang lahat sa akin habang lumuluha na si donya Carla, kahit ako man ay nararamdaman na rin ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata pero wala na akong pakealam kung isipin nilang mahina pa rin ako ngayon sapagkat galit ako at gusto kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko. Naisip ko rin kasi na hindi naman pwedeng lagi kong itago mula sa kanila ang aking galit, because slowly it's killing me.

"Lahat na lang si Janelle! Lahat na lang siya ang magaling, I'm always hidden from her shadow! Tanong ng tanong ako kay mama bakit ni minsan hindi ngumiti si lolo sa'kin? Bakit parating may galit ang tingin ni tito Archie sa'kin?! Bakit si lola hindi man lang ako pinapansin? Bakit ilag ang lahat ng tao sa'kin? Bakit ako lagi ang mali? Bakit ako na lang lagi ang nasasaktan? at bakit ako lagi ang hindi nakakaranas ng pagmamahal? Masakit dito! Masakit! " Dinuro-duro ko ang dibdib ko habang nanlalabo ang paningin ko pero hindi ko inaksayahang punasan ang mga luhang tumakas mula sa aking mga mata. Nakakapagod na e' hindi ko na alam kong hanggang kailan ko gagawin 'to sa sarili ko. Itong mga paghihirap lalo na 'yung lagi kong pasan ang bigat ng lihim na meron ang dating Rei.

"A-anak h-hindi ko a-alam.." Nanghihinang sabi ni Archie pero umiling lamang ako, as those dark secrets I have is drowning me deeper, kung saan wala akong magawa kundi yakapin ulit ang dati kong katauhan. I am talking for her, the woman who locked herself from everyone, a woman who cried for help, who cried for everyone to love her back and accept her not because they need to, kundi iyon talaga ang nararamdaman nila.

"Hindi mo alam? Pero kahit bilang pamangkin mo at isang Chui sana tinuring mo pa rin akong kasapi ng pamilya n'yo! Tao ako! Pero ang turing n'yo sa'kin ay mas masahol pa sa hayop. " Sinamaan ko silang lahat ng tingin, inisa-isa ko ang bawat taong nanakit sa akin I want to see those eyes who made me kneel, mga matang mapanghusga at mga matang noon ay puno ng pandidiri akong tinititigan. But now? Hindi ko na alam ang gagawin o mararamdaman sapagkat ang nakikita ko lamang sa mga mata nila ay ang pagsisisi at sakit, hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba o magwala ako sa harap nila. Ang hirap kasi e' sobrang hirap, dahil bakit ngayon pa? Bakit ngayon ko pa iyan nakita.

"Pero nagsisisi na kami Rei we want you to be part of our family." Madamdaming sambit ni Janelle as tears join her words. Naninikip ang dibdib ko, seeing her like that made my inside scream telling me to stop this torture ngunit hindi iyon ang tamang gawin dahil mahirap magpatawad sobrang hirap lalo na't sobrang hapdi ngayon ng mga sugat ko na muling nagbukas at malaya nilang nakikita.

"Then I don't want to be part of your family. Wala akong pakealam kung nagsisisi kayo dahil alam kong panandalian lang 'yan, alam ko kasing kaya n'yo iyan ginagawa ay dahil may kailangan kayo sa'kin! At sinabi ko na nga 'di ba? handa kong ibigay ang shares ko sa inyo. Iuwi n'yo lang ako! Kaya pwede ba tama na itong kalokohan na ito tapusin na natin 'to at nang mawala na ang peste sa buhay ko." Muli'y lahat sila ay nawalan ng imik, habang nagkaroon naman ako ng pagkakataon na punasan ang mukha kong basang-basa na ng luha. Oo nangako akong gaganti ako pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga nangyayari at 'yon ang mas nagpaparamdam sa akin ngayon ng mga emosyon na hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapipigilan ang mga iyon dahil ngayon pa lamang ay gusto ko nang sumabog sa sobrang sakit.

"So ayaw n'yo?" mapang-uyam na sambit ko at napansin kong umiwas lamang sila ng tingin kaya natawa ako ng mahina bago muling magsalita.

"Sabihin n'yo lang kung anong kailangan n'yo at ibibigay ko makawala lang sa lugar na ito." Agad na tumalikod ako sa kanila at tumakbo ako papuntang kwarto. Habang tumatakbo ako ay paunti-unting nagsibalikan ang mga masasakit na nakaraan na parang bangungot na naging dahilan upang mapahagulgol ako. Nang marating ko naman ang kwarto ay agad na pumasok ako at sinarado ang pinto ngunit kasabay rin ng ingay na narinig ko nang magsara ang pinto ay ang panghihina ng aking katawan, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong napasandal sa nakasaradong pinto saka napapikit.

Hate Series 1: Raven Rei ChuiOnde as histórias ganham vida. Descobre agora