Special Chapter

1.5K 55 11
                                    


"What really happened?"


***

Jihoon's


"Guard papasukin nyo na ko please!!"

"Sir hindi nga po talaga pwede. Umalis na po kayo. Mawawalan po ako ng trabaho pag ipinilit nyo yang gusto nyo!" 

"Jihoon tara na. Wala na tayong magagawa" Sungwoon Hyung



Wala na. Hindi ko na sya nahabol. Inihatid na ko nila Sungwoon hyung sa bahay pagtapos kaming paalisin ng guard.


Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Mama na nakaupo sa sofa.

"Natulog ka nalang sana sa labas kung ganitong oras ka lang din uuwi!" Yan ang unang unang bumungad sakin pagtungtong ko sa bahay.

Tumalikod ako para lumabas nang bigla ulit syang magsalita


"At kailan mo pa ko natutunang talikuran?!" Humarap ako sa kanya.

"Ma pwede ba?! Wala akong panahon sa mga sermon mo ngayon!"

"Ano Jihoon, yan ba ang natututunan mo sa pagsama mo dyan sa Rhyme na yan?? Yan na nga ba ang sinasabi ko e! Walang madudulot na maganda sayo yang--"


"Congrats ma. Pwede ba tama na? Panalo ka na e. Tumigil ka na please. Wala na si Rhyme. Umalis na sya. Ayan! Masaya ka na ba? Ang galing nyo" Hindi ko na napigilan. Ang sakit sakit na sobra.


"Anak..."


"Ma, ang daming tao sa mundong pwedeng manakit sakin ng ganto, pero bakit ikaw pa? Alam ko lahat ng ginawa mo... I hate you" 


Umalis ako at pumunta sa bahay nila Sungwoon hyung.


--

2 years later...


2 days before the Wedding...


2 days nalang pero hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap ng maayos ang magulang ko. Nakagraduate na ko pero hanggang ngayon hindi parin kami okay ng parents ko. At kahit kay Rhyme wala akong natatanggap na kahit ano sa loob ng 2 taon. 


"2 araw nalang hyung. Pwede pang umatras." Seonho

Kung mabibigyan ako ng pagkakataon, bakit hindi? Kahit gano katagal hihintayin ko si Rhyme. pero mukang wala na kong magagawa, 2 araw nalang.


"Kung pwede lang Seonho, bakit hindi?"



"Jihoon, I'm sorry. Kaibigan mo ako pero hindi ako nakagawa ng paraan." Samuel

"No Samuel. Wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang din. Kung ito yung parusa sakin tatanggapin ko. Kung kailangan kong maghintay ng sobrang tagal kakayanin ko. Hindi mo kailangan mag sorry." 

Hugot | Park Jihoon ✔ [Editing]Where stories live. Discover now