Chapter 1

138K 2.6K 581
                                    

Mission

"Bloody hell..."

Laglag panga akong napatingin sa eskwelahang nasa harap ko na ngayon. Para itong sementeryo na ewan dahil sa sobrang boring tingnan. And it looks old! Mga sinaunang tao ba ang nag-aaral dito?! Pakiramdam ko nga ay dito nag-aaral si Jose Rizal dahil sa kalumaan ng hitsura! No fucking way! Dad is not doing this to me!

"Miss Addi, welcome to our schoo-"

"Shut up! Call my Dad right now and tell him I'm going home. Fucking now," putol ko sa matigas na boses at maarteng nasapo ang aking noo.

Jesus! Hindi ko kayang manatili rito! Ngayon pa nga lang ay pakiramdam ko unti unti na akong natutunaw sa sobrang opposite ng lugar sa akin! Kulang nalang ay magtirik ako ng kandila sa aking kinatatayuan at talagang magiging libingan na ang tingin ko sa lupaing ito! Mamamatay ako sa loob ng maaga dahil sa sobrang boredom!

Ibinaling ko sa mga bodyguards ni Daddy ang buo kong atensyon dahil sinisimulan na nilang ilabas ang bagahe ko sa kotse at hakutin palabas. I don't have any of my gadgets! Pinaparusahan talaga ako ni Dad?! Ramdam na ramdam ko iyon dahil pati cellphone ko ay nagawa niyang kunin. He didn't even bother giving me my cards! Kahit coins ay wala ako! Paano kung nauhaw ako? Malinis ba ang tubig nila rito? Kahit nga ata signal ay hirap hagilapin sa lugar na ito at kailangan pa atang umakyat sa bundok!

"Hey! Ibalik niyo ang mga bagahe ko sa loob ng kotse! I am not gonna stay here!" sigaw ko kahit walang ni isang nakinig.

They're my Dad's bodyguards. Not mine. Sinisante niya na silang lahat eh. Di kasi daw ako nababantayan ng maayos. Walang makakabantay sa akin ng maayos yun iyon. I'm expert at escaping.

Nang hindi nila ako pinakinggan, sa sobrang inis ko ay hinubad ko ang heel na suot ko at itinapon doon sa isa kong bodyguard na tinamaan sa likod pero tiniis lang iyon at nagpatuloy. Now, my words don't matter to them anymore! Oh just great Addi... Bullshit. Fucking. Bullshit.

"Miss Addi, huminahon po kayo. Gagabayan ko kayo papasok, Miss... Wala ka pong mapapala dito sa labas. Mahirap itong puntahan at mas lalong mahirap itong labasan. Baka ay maligaw ka pa. At lalong magagalit ang Daddy mo pag sinuway mo na naman siya," ang marahan niyang tinig ay halos ikinagigil ko.

"Bakit? Saan ba ito banda? What province is this?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya.

Ang narinig ko lang, nasa Mindanao part ako. Wala na ako sa Manila!

I don't understand why my father is fixing my life when he needs to fix himself first. When my mother died, a piece of my life died with her, but he died on the same day. He changed drastically.

Napabuntong ng hininga ang babae at sinikap na ngumiti ng matamis sa akin.

"This way, Miss..." aniya at nagsimulang maglakad.

Ilang sigundo akong nakatayo dito sa labas suot ang pink pencil skirt at long sleeve all-button shirt, at halos bumaon na ang heel sa lupa sa kagustuhan kong manatili na lamang dito at huwag nang pumasok sa pangit na paaralan.

My beret hat is already tilt to the other side and the natural lazy waves of my long hair is disheveled too. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses kong sinabunutan ang aking buhok sa iritasyon kanina.

Napalingon ako sa likod pero mga kakahuyan lang naman ang malinaw doon sa paningin ko. May dalawa pang daan na naiiba. They left the car but I don't have the key! 'Tsaka mukhang nakakatakot iyong daan. Ayoko namang matulad doon sa wrong turn. Ayokong mawalan ng parte ng katawan ko.

I know I'll enjoy the thrill if I escape right now pero mas nakakathrill siguro kung sapilitan akong ikick out ng school na ito dahil sa ugali ko. And Dad has no choice but to take me home. Well, that's easy.

Law Of Love (Buenaventura Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon